This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
O? Ano? Pista opisyal naman bukas pero wala ka namang ganap? Wala ka ring kapiling sa buhay? Umiikot na lang ba ang buhay mo sa bahay at paaralan/trabaho? Alipin ka na lang ba ng Kapitalismo at hindi ka na makapagmuni at hindi mo na rin mapagtanto ang puwang mo sa sansinukob na ito? Wala ka na bang panahon para lasapin ang tamis ng buhay at ang pighati ng ating mga pagkabigo? Baka may pananaliksik ka dyan? Tara bigyan natin ng kritisismo para makakita ka naman ng ibang pananaw. Gusto ko rin may matutunan sa 'yo. Baka gusto mo lang rin ng karamay? Puwede ring kaaway. Tara, kahit papawis lang. Malungkot ka ba?
Kung oo ang sagot mo sa lahat ng mga ito, ito na ang pagkakataon mo para makausap ako kapalit ng pagkain! (Pagkaing dagat at gulay lamang po dahil kuwaresma) Bukod sa mapapakain mo na ako, mabubusog din ang isipan at kaluluwa mo! Lutong bahay? Puwede! Kinuha mo lang sa lamay? Basta hindi pa panis! Puwede rin po ang talk now, feed me later!Â
Nasa baba ang mga detalye:
• Ingles o Filipino
• Hindi pa panis ang pagkain
• Mas masarap ang hain, mas mahaba at mas makabuluhan ang argumento
• Ayaw ko po ng okra, upo, at ampalaya (Magkalimutan na tayo bago mo pa ako makilala)
• Puwedeng ipagluto mo ko, padalhan mo ako, ilabas mo ako
Ang papakainin:
• M
• 27
• Nakatira sa Maynila
• Nagtatrabaho sa Pasig
• Mag-aaral sa Gradwado
• Wholesome na gago
• Maitim ang sense of humor pero hindi ang budhi
• Hanapin mo na lang ibang paskil ko, bahala ka na lodicakes
Sana po disenteng tao ka. Ayun lang.
PS gutom na ako
PSS tang ina ang lungkot
PSSS wow lowkey ang kalat ampota
PSSSS Ewan ko ba may pagkain naman sa kusina namin
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PhR4Friends...