This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Hello. Paulit ulit na ata akong nagrereklamong pagod na ako, at bilang panganay wala naman tayong choice kundi bumangon at magtrabaho pa din hindi para sa sarili natin pero para sa ating pamilya. For context, kagaya ng iba sa mga panganay dito, tumutulong na lamang ako out of obligation, forced kumabaga. Dalawang taon na ako sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, at para ma-divert ang atensyon ko sa sakit ko, sa mental torture ng pamilya ko, ginugol ko ang oras ko para sa trabaho dahil dun na lamang ako may sense of fulfillment. Bida bida ako sa trabaho, consistent na maganda ang feedback at evaluations hindi lamang ng boss ko at ng CEO pati mga katrabaho ko. Sa dalawang taon ko napromote na din ako kahit walang increase ang sahod ok na din siguro kasi kung sakali man na lumipat ako ng ibang kumpanya pandagdag din sa resume. Yung position ko halos pang tatlong tao pero ang sahod pangisa lang. Masasabi ko bang masaya ako? Sa totoo lang, hindi, fulfilling dahil ang dami kong naaaccomplish pero hindi masaya. Wala din naman akong option umalis, may sinet na akong timeline sa career kong ito. Sa pagtaas ng position ko paglaki din ng gastos at responsibilidad ko sa pamilya ko at mas nadodoble yung pagod ko dahil don. Parang yung mga taong inaasahan mong pahinga aka Pamilya mo, sila pa yung dagdag pasakit sayo. Dalawang taon na ako sa work ko and lagari kung lagari ako, above and beyond kulang na lang tumambling ako sa opisina, pero sa loob ng dalawang taon na yon parang nakalimutan ko na maging masaya, napansin ko na mas naging iritable ako, nauubos ang social battery ko kaagad at hindi naman ako ganon dati. Sobrang focused ko sa work konti nalang mawawala na din ako sa kalendaryo, lately natanong ko ang sarili ko masaya pa ba ako? Yung mga kaibigan ko may mga anak na, may asawa, o kung hindi man, ginagawa talaga yung gusto nila sa buhay. Donโt get me wrong I like my work, I like my career pero pagod na pagod na ako. Pagod na nga sa work, dagdag pagod pa sa family. And Iโm not even living with them anymore. Puro ako bahay work bahay work, I feel like one day magigising na lang ako na nasayang yung taonko which Iโm currently feeling. Ikaw ba? Naisip/Nafefeel mo na ba yon?
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PanganaySup...