This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
It can be anything. Something to reminisce or sa mga magwowork palang something to look forward to. Something na binili mo na alam mong deserve mo for yourself only no one else. I’ll start.
2015 naalala ko una kong sahod sa BPO. After a month of struggles and all sa wakas nasa harap na ako ng ATM sa ortigas malapit sa Starta ba yon? Umiiyak ako sa harap ng ATM dahil buong araw akong hindi pa kumakain at literal na yung sahod nalang inaasahan ko. Habang nanginginig ako sa gutom sinabi ko sa sarili ko, Wala akong pakialam pupunta akong Mcdo at bibilhin ko ang gusto ko.
Back story muna tayo. Growing up, kahit na seaman ang tatay ko bihirang bihira kami magfastfood, ganon kami siguro pinalaki. 1 pc chicken kanin, regular coke. Bonus kung may fries (kailangan mo pang maglimbing para maka regular fries ka) pwedeng umorder ng extra rice pero bawal ang 2 pc chicken. Huwag abusado dahil dapat burger steak lang yan or chicken fillet. Nasanay na din siguro ako na ganon na kontrolado ang pagorder sa fastfood dahil ng nanay ko. Nakakatawang isipin na pati sa una kong sahod may hugot pa din ng trauma
So balik tayo sa Mcdo sa ortigas. Habang nanginginig at buong araw na walang kain umorder ako ng 2 pc chicken, dalawang extra rice, large coke, large fries, cheeseburger at spag. Mukha huling hapunan ko na. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makakalimutan yon.
Ikaw kapanganay? What’s your first paycheck purchase? 🤗
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PanganaySup...