This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Hello fellow Panganays! Gusto ko lang malaman insight nyo, Meron ba ditong bida bida sa work? As in workaholic na naniniwala sa wise words ni Britney you better work bitch?
For context, I work for uhm, for a fast growing industry na halos lahat ata ng millenials and gen z ngayon ay proud magwork at. [ Clue: lagi nyong nakikita sa tiktok yung a day in a life sa office nila ] so ganong industry. Magdadalawang taon na din naman ako, the pay is sakto lang, may hinahandle akong team. X years na din ako dito and bilang bida bida, Ang position na pinirmahan ko is ABC position, kaso dahil nagsisimula palang tong kumpanya at kulang sa manpower weāre tasked to wear different hats without pay, so pati yung CDE department inooversee ko na din, without additional compensation and kahit na wala akong background sa dept na yon, sige nalang added learning din naman. Idagdag mo pa dyan yung mga side utos across diff departments na very irrelevant na sa trabaho ko, for anonymity, eto example na somewhat similar, pinaghanap ako ng boss ko ng gift para sa jowa nya [sana ol may jowa. Hindi naman ako EA]
Kanina kinorner ako ng boss ko, heās struggling din with the same issue mapopromote sya pero walang dagdag sa sahod. So kinausap nya ako if I can handle din daw EFG department which again, something I didnāt apply for, let alone have any background about it.
My stupid ass self said yes, bilang people pleaser ako and bec of my past traumas. To summarize tatlong dept na hawak ko wala pa din pay increase.
I know a lot of you guys would say āthen quitā, āresignā, ālook for a new jobā, āsay noā. But I have this uhm pressure or mindset na by being bida bida, being hardworking, tapping into different roles, would someday pay off [which is clearly, not happening], thus I can help my family more kase inubos na ng pamilya ko ang savings ko and majority of my sahod is sa kanila napapapunta.
If youāre gonna ask me if Iām still happy, I would say I am fulfilled but not happy kasi dami kong learnings and accomplishments kaso pagod na ako and I think my body is giving up already. I was very vocal to my boss kanina na weāre all tired sa gantong set up but parang he gave me a look na wala na tayong magagawa.
I even told about this to my parents, and sabi nila I should look for another job na daw and Iām like sa months na mababakante ako, pano tayo? Rich kid yarn? Anyway, pagod na pagod na ako kasi pakiramdam ko, the more workload that I do, the more shit that I get done, thereās a higher chance that I would have a higher pay, an added learning on my resume, and a higher chance to be promoted. Ayun lang.
Nafefeel nyo din ba ito minsan sa trabaho? Na kailangan pabibo ka not because gusto mo pero dahil kailangan ng pamilya mo? To those na saktong chill lang sa work, how do you do it? My comments are open for discussions. Message me any insights!š¤
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PanganaySup...