This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Pa-rant lang ako mga beh, tnx.
So kaninang tanghali, nakavid call ko yung tita kong matagal nang nakatira sa US. Araw-araw naman kasi sila nag-uusap ng mama ko pero napasama lang ako kasi nandun din ako sa kwarto niya.
At eto ang eksena: Bibigyan ako ni tita ng $100 iboto ko lang si Dayunyor. Ang reply ko na lang, "Hindi nabibili yung prinsipyo ko".
Nagpatuloy yung usapan namin na "kinukumbinsi" niya akong iboto si 88M. Sabi pa niya, "Okay lang 'yan (me being for Leni), may kanya-kanya tayong paniniwala". Which I found was weird for her to say considering gusto niyang bilhin ang boto ko at siya itong nag-open ng topic about presidentiables.
Dahil nawalan ako ng ganang makipag-usap, ang huling say ko na lang, "Kawawa po ang Pilipinas". To which she replied, "Ay, no. At the end of the day kawawa lang ang mga kandidato kasi lahat naman sila iisa lang hangaring magkaroon ng posisyon". Hindi na ulit ako nag-engage sa conversation at baka lalo pa akong madisappoint.
For context, kaming dalawa lang ng kapatid ko ang kakampwet sa pamamahay na 'to and the rest, 88Mnatics na.
For further context, si tita ang nagpopondo ng college tuition ko. Hindi niya naman sinusumbat yung pagtulong niya sa amin. So I guess there goes her basic human decency.
Maybe ang bumabagabag lang sa akin, ako itong pinapag-aral niya sa tanyag na pamantasan pero susuportahan niya yung taong lahat na ng means para makapag-aral binigay na pero hindi pa rin nagawang makapagtapos. Naisip ko lang din na ang ironic na sabihin niyang hindi kawawa ang Pilipinas eh siya nga itong nangibang bansa para maka-ahon.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PanganaySup...