This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
May nababasa kasi ako online na binibigay daw nila lahat ng sahod nila bilang pambawi sa mga sakripisyo ng mga magulang sa kanila. May nagsasabi pa na hangga't buhay pa raw yung mga magulang nila, ibibigay daw nila lahat lahat para sa kanila (yung iba kahit raw ikamatay pa nila).
As a bunso kasi, hindi ko talaga kayang ibigay 100% ng sahod ko kasi nag-iipon ako ng emergency fund ko tsaka nangungupahan ako sa Maynila. Ayoko naman na tumira sa labas para ibigay 100% ng sahod ko. Feeling ko kasi kapag hindi 100% yung binibigay kong sahod sa magulang ko ang sama-sama ko ng tao, wala na kong kwentang tao, feeling ko hindi ko sinusuklian yung sakripisyo ng magulang ko kapag hindi 100% sahod na binibigay ng magulang ko. Nagi-guilty ako sa mga taong kayang ibigay 100% ng sahod nila sa magulang nila. I'm very stressed right now financially :(
Pero ask ko lang, paano kayo namo-motivate na ibigay ng sahod sa kanila? Gaano n'yo na katagal ginagawa 'yon? Yun lang. Thanks.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PanganaySup...