This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Mainit-init pa itong rant ko na to, literal na just now. Ako panganay sa aming tatlong magkakapatid. Deds na ang mama namin, at wala namang kwenta ang tatay ng mga kapatid ko. Never ko na-meet ang biological father ko. Tita ko, kapatid ng mama ko, ang nagpalaki sa amin.
Sobrang bait ng tita ko, wala talaga akong masasabi. Wala rin siyang asawa, may mga anak na raw kasi siya (kami). Pero minsan, napu-frustrate siya kapag wala siyang perang panggastos, at understandable naman. Nakakapagsalita siya ng hindi maganda, pero okay lang. Nothing too bad, expressions lang ng frustrations niya ("hindi ko to obligasyon, hindi ko naman kayo mga anak, para akong katulong, wala akong sahod na natatanggap sa pag-aalaga sa inyo", etc.) Okay lang, naiiintindihan ko. Gano'n talaga, siguro kapalit na lang ng pag-aalaga niya sa amin yung pakikinig sa mga rant niya. Lol.
Simula nang makatapos ako sa college, ako na ang nagtatrabaho at nagbabayad ng bills. As in buong budget ng bahay galing sa akin, tita ko na lang ang nagma-manage. Dahil sa pandemic, nag-reduce ng workload ang company namin, kaya kalahati na lang ang workload at suweldo ko, which is now hindi lalampas ng 7k kada cutoff. Kulang na kulang para sa mga bills pa lang, pero napagkakasya kahit papaano. As you can imagine, wala nang natitira sa akin personally at para sa savings. Okay lang naman sa akin, kailangan naming mabuhay eh.
Kaso today, medyo kinulang sa tulog dahil ilang araw nang pagod sa work at gula-gulanit na ang sleep schedule at mental health ko. Nakapagsalita ako nang hindi maganda sa bunso kong kapatid. Kailangan ko kasi yung internet kaya pina-disconnect ko muna siya sa internet. Medyo napasigaw ako dahil sa inis. Ilang beses na kasi nangyayari 'to. Nasabihan ako ng tita ko.
Grabe ka naman sa kapatid mo. Pakonek mo naman sa wifi mo.
Napasagot ako,
Wala naman siyang klase today. Kaya ko lang naman siya pinapa-connect kasi may online class.
Then she went on saying na grabe daw ako sa kapatid ko. Sa inis ko, nasabi ko
Wala akong responsibility na pakonekin kayong lahat sa internet ko. Kaya lang may internet kasi kailangan ko sa trabaho. Nasa inyo na nga buong sweldo ko, bawal pa ako magdamot ng kailangan ko naman.
Gusto ko mag-burst out, pero napigilan ko sarili ko. Alam naman na ng tita ko ano sasabihin ko next. Sabi na lang niya, sige raw tatandaan niya lahat ng sinabi ko. At wag ko na raw ibibigay yung susunod kong suweldo sa kaniya.
Nakakainis lang na pag siya okay lang magsalita out of frustration, pero pag ako, masamang tao na ako agad? Wala namang pinagkaiba yung situations namin, parehas naman kaming stuck sa pag-aalaga sa mga batang hindi naman namin anak. Siya puwedeng magbilang ng mabubuti niyang nagawa, pero ako bawal magdamot ng kahit isa lang sa mga pinagpaguran ko na hindi ko naman kailangang ibigay sa kanila.
Saya ng weekend ko.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 3 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PanganaySup...