This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Pinapabayaran sakin ng mom ko yung remaining balance ng kapatid ko na 10k tuition fee. Umayaw ako kasi nagstart palang ako mag ipon ng EF ko. 2 months palang ako nagwowork.
Sahod ko ay 22k per month and kalahati ng sahod ko binibigay ko na sa mama ko para pambayad ng bills namin. Single mom kasi mama ko so siya nalang nagtataguyod samin. Natatakot rin kasi ako na what if may mangyari sa mom ko dahil frontliner siya. Pano kami ng mga kapatid ko? Kaya nagiipon na rin ako EF in case that happens. Yun ung parang di niya magets. Akala niya marami akong pera.
Tapos mostly ako rin kumikilos sa bahay kasi wfh ako and busy ang mga kapatid ko sa online classes. Minsan gusto ko manumbat or magopen up pero ang lalabas pa niyan ako yung self centered, ako yung masama.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 4 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PanganaySup...