This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
For context, second family kami ng tatay ko pero legally separated sila ng unang asawa niya and I have a great relationship with my four elder siblings (and one younger step sibling). Sa mama ko naman, ako panganay and I have a little sister (4 y.o).
Lumaki ako sa paternal grandmother ko and life was great but from longing for my parents to come home (OFWs kasi sila), that longing turned into indifference somehow. Never quite liked my parents especially because of one instance in my childhood where they pulled me into a room and basically napagalitan ako for being more fond of my grandma and aunt. Off kasi ako sa parents ko since bata ako dahil they somehow expected me to be fond of them even with years of being separated from them, parang kumbaga di ko naman sila kilala pero dapat automatic love ko sila and all that. Naging bata ka din kaya alam mo na mahirap mag adjust sa adult na di mo bet.
Fast forward to recent events, nag anak pa sila ulit. Last 2019 pinanganak kapatid ko and then nag pandemic nga diba? It was hell. Tangina di naman ako kumasta pero instead of my stay at home father, ako pa itong nag aral magpaligo at magpalit ng diaper na may poops ng sanggol. Ako pa may kabisado sa pag timpla ng dede. Hanggang ngayon ganito scenario at punong puno na ko.
Nagkasakit recently kapatid ko dahil sa tatay namin na magaling tapos nung nagpacheck up, ako pa at nanay ko ang bumaba sa hospital. Yung tatay ko busy magpalamig sa sasakyan. Ako pa nagtatanong sa assistant ng doctor to double check anong need bilhin at inumin. Ako naglilinis ng suka at naghuhugas pagkatae ng kapatid ko. Yung impakto ayun nakahilata lang sa sala.
I'm tired of parenting my little sister tapos taga salo pa ko sa issues at emotional baggage ng parehong magulang ko.
I'm only 18 but I managed to save up some money and found a bedspace for rent. Madami inclusions, bago yung unit kaya maganda pa talaga. Sana lang okay mga roommate ko.
Anyway, I'm currently looking for BPOs na hiring around Clark but mas okay ata talaga kapag walk in or may contact so pupuntahan ko na lang mga office once I move out. Signing off as panganay muna ko hanggang sa maka graduate ako and/or magka trabaho na, tsaka na lang nila ko makikita ulit.
Edit: Changed the post flair to discussion instead pero di ko din sure ano dapat hahaha. I'm not looking but I'm open to any advice and/or opinion naman.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 5 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PanganaySup...