This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Nakikitira muna yung pinsan(physically disabled, single parent kasi wala na yung partner) ko pati anak (below 10 yo) nya sa bahay namin sa hometown ko due to financial reasons. Malaking chance na baka parents ko (and eventually, kaming tatlong magkakapatid) ang magpalaki at magpaaral sa anak kasi mukuhang mahihirapan yung parent na magtrabaho due to disability (and personality issues, ibang kwento sya).
Masama ba akong tao kung sasabihin ko na ayokong maging involved sa bata? Alam ko sa sarili ko na di ako emotionally and financially capable para magpalaki ng anak. Also, yung bata ay may bad traits na nakuha nya sa tinitirhan nila dati (spoiled, ginugulo yung bahay kasi bagong environment at di sanay makakita ng maraming gamit). On the other hand, I feel bad sa bata kasi nawalan ng parent. Napapa-overthink tuloy ako kung uuwi pa ba ko samin kasi ayoko talaga ma-involve sa bata. Okay lang naman na abutan ko ng maliit na bagay every now and then, ayoko lang talaga na magka-responsibilidad dun kasi di ko talaga kaya. Also adding din na iwas na rin ako sa extended fam members kasi naglilimit na ko ng mga tao rin na nakakaalam ng buhay ko.
Sorry kung magulo wordings ko, kaka-overthink ko yan hahaha (at ayokong magbigay ng masyadong detalye rin).
Subreddit
Post Details
- Posted
- 11 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PanganaySup...