This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
CTTO from sir Mori (founder of Ahon Pinoy)
Eversince isa akong breadwinner at proud ako doon pero kapag nagkwento ka pala sa mga friends mo sa mga taga first world country like dito sa Japan is ang usual reaction nila is nagugulat, reaction nila is like kinda weird and minsan yung iba natatawa pa (not natawa for insulting but natawa kase nga kakaiba)
I'm not sure sa iba dito na nagtratrabaho sa ibang first world countries citizens kung uso din ba sa kanila ang salitang breadwinner.
Dito kase sa Japan, based sa kwento ng mga ka workmates ko na Japanese is kanya-kanya sila pagdating sa kaperahan but magkakasama sila sa bahay at masaya silang magkakasama pero pagdating sa usaping finances ay hindi sila nag aasahan like may tatayong breadwinner or yung ibang member ng family kahit may kakayahan magtrabaho is mas pipiliin na lang humilata sa bahay kase may trabaho naman yung isa. May mga instances naman na may ganyan din na scenario but madalang.
Na- realized ko na hindi pala nakaka proud maging breadwinner kase ang meaning pala noon for me is may mali sa mga financial decisions nyo noong araw kaya nangyayari ito. Lack of opportunities, lack of knowledge, laziness at yung pagiging mañana habit ang ilan sa mga culprit kung bakit karamihan nagkakaroon ng wrong financial decisions.
Hindi natin masisisi ang mga Parents natin kung bakit ang iba sa kanila ay umaasa sa atin ngayon kase hindi pa naman ka- rampant ang financial education noong araw pero ngayon nasa information age na tayo na kung saan kaliwa't- kanan na ang information at halos spoon feeding na lang at kapag hanggang sa generations natin ay nagkaroon ng tinatawag na sandwich generation at pagdating ng araw ay maipapasa natin ang burden sa magiging anak natin is hindi na yan nakaka pround kundi nakakasuka at nakakadiri na ang ganyang sitwasyon.
For me its ok to help your immediate family like mother, father and your siblings na WALA PANG KAKAYAHAN MAGTRABAHO na limited for needs or maybe sometimes for wants but not too much.
But yung mga pinsan, pamangkin, kapatid na may kakayahan naman magtrabaho, anak ng kapatid mo, kapitbahay, kabarkada ang tawag sa mga yan ay PARASITE na unting unti- unting sumisira ng buhay mo.
Unahin mo muna tulungan ang sarili mo para sa ganun may kakayahan ka nang tumulong sa iba.
Empowering Traditional Breadwinners to be able to set boundaries with love and encourage their family members to be their allies to success. Kasi walang uunlad kung pareho lang din ang financial cycle ng previous generations to this generation na lahat iaasa lang sa isang member ng family.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- facebook.com/groups/1384...