This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Okay lang naman siguro manumbat kung hindi mo naman ginusto maging breadwinner diba? Nag-aaral pa lang ako, nagko-contribute na ako nang malaki sa family budget. Ngayon, ako na lang working sa family. Wala na kaming nanay, tita ko na lang ang kasama naming tatlong magkakapatid. Yung tatay nung dalawa kong kapatid, wala naman ding kwenta so sa akin tumitira yung mga kapatid ko.
Okay lang naman sa akin nung una. Sanay na rin naman ako sa hirap, at arguably, mas okay na buhay namin ngayon compared sa dati. Pero ang laking burden na ako lang nagtatrabaho. Nag-aaral pa kasi yung dalawa, and gurangchi na rin yung tita ko. Wala, nakakasuya lang na 50k na ako per month pero wala akong savings dahil 8k lang nakukuha ko kada buwan para sa sarili ko. Hindi pa marunong maka-appreciate etong mga binubuhay ko. Hindi naman super laking help sa akin, pero ano ba naman yung mag-thank you man lang out of the blue, o kaya batiin ako ng happy birthday nang hindi na need ipaalala. Shuta puro hingi, tapos pag di napagbigyan nagtatampo.
One time, nanlibre ako ng pizza out of my own money (so sa 8k ko siya binawas kasi I'm feeling generous at the time). Tapos nagbiro ako, sabi ko sa family budget na lang ibawas, tutal lahat naman sa family nakakain. Sabihan ba naman ako ng kapatid ko na obligasyon ko raw na pakainin sila?? Like?? Hindi ba ako nagbigay ng budget?? May tatay ka beh baket di ka umuwi do'n at doon ka humingi ng pambuhay mo?? Nakakainis pa kasi late na siya umuuwi madalas, kaya kino-callout ko siya minsan. Tapos siya pa galit, sasabihin sinusumbatan ko siya, na wag daw ako mag-alala dahil ibabalik daw niya lahat sa akin pagdating ng panahon. Edi okay?? Sana true.
Ang sa akin lang, hindi naman ako nanunumbat. Pinapaalala ko lang yung ginagawa ko para sana maging grateful sila. At kung manunumbat ako, diba well within my right naman din yon? Kasi wala akong choice kundi gawin ito, give na nila sa akin sana yung panunumbat bilang coping mechanism. Hindi ko rin naman laging ginagawa dahil alam kong toxic. Nakakapagod na i-sacrifice yung sarili ko for them. Naging issue pa to sa mga romantic relationships ko kasi may cargo akong pamilya at di ako makabukod para maging independent. Literal na sinasakripisyo ko yung happiness ko para sa mga 'to na hindi naman marunong maka-appreciate. Layasan ko talaga 'tong mga 'to pag nabanas ako (charing lang, di ko kaya).
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PanganaySup...