This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Nananahimik ka, enjoying your single life, biglang may darating, magpapakita ng motibo. You put your guards down, kasi parang okay naman. Tapos you go out on dates, spend time with each other. Introduce each other sa friends and family. Make plans, make travel plans. Excited kayo pareho.
Tapos biglang ayaw mo na, di mo nalang kakausapin? Pag di na convenient sayo, kakalimutan mo nalang? Pag sawa ka na, hahanap ka nalang ng iba? Ganon nalang ba yon? Hindi mo manlang iniisip yung kapakanan ng iniwan mo sa ere. Hindi mo manlang nilapitan para kausapin na ayaw mo na. Ganyan ka ba kaduwag? Ganon nalang ba? Kalimutan, walang maayos na makikipag-usap? Matanda ka na oh, matuto ka makipag-usap. Matuto ka makipag-usap ng maayos kung ayaw mo na. Hindi yung bigla kang mawawala na parang wala lang sayo yung ilang buwang pinagsamahan.
Di ko alam kung lungkot o galit ba nararamdaman ko. Hindi patas eh. Hindi ko deserve 'to. Ayoko maging apektado, pero sa mga nakakaraang buwan, naging parte ka ng buhay ko. Hindi ako katulad mo na kayang talikuran yung taong naging parte ng buhay ko.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 weeks ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PHSapphics/...