This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

0
Law of Attraction - Pano ko nakuha yung 6 figure job ko.
Post Body

Pakibasa na lang yung past posts ko tungkol sa pagkakakuha ko ng 6 figure na work. Unang una, ang daming nag message. Maraming salamat po sa lahat lahat! Ang dami nyong mga tanong tungkol sa ginawa kong proseso para maghanap. May mga iilan na di ko maintindihan at gusto pa makipagkita sa akin (dahil siguro sa sinabi kong nakaraan) pero syempre di ko na gagawin yon. Madami naman na naglabas lang saya para sa akin at syempre sana sila din ay mahanap na din nila ang big break na hinahanap nila na para sa kanila. Ang share ko pa lang ay ang nangyari at mga ginawa ko (kulang kulang pa yon kasi syempre madami talagang ginawa) pero ang pinaka importante sa lahat ay wag mawawalan ng loob kahit na gustong gusto ko na bumigay.

Eto yon. Nung nawalan ako ng trabaho, di ko agad sinabi sa pamilya ko. Ang naisip ko, maghahanap ako agad at madaling makakahanap. Hindi pala. Hanggang sa unti unting napapansin ng pamilya ko na matamlay na ako. Di na ako masyadong lumalabas. Nagtatanong na sila kung may trabaho pa ako or ano problema. Papaubos na kasi savings ko at ayokong maging pabigat.

Nung nagigipit na ako, naisip ko, baka puwedeng mag escort, kahit isang beses lang hanggang makahanap ng trabaho. Nag post ako ng sexy pic, dinumog ako ng messages at sobrang nalula ako. Kung kilala mo ako, NEVER mo iisipin na gagawin ko to kasi ako yung batang laging honor sa school, magalang, mahinhin. Lagi akong sinasabihan na maganda ang mukha pero mataba nga lang.

Sa mga messages, nagtatanong sila, "What are you willing to do?". Di ko masagot kasi di naman ako willing. Ayaw ko naman talaga gawin. Namili ako ng maayos na kausap kasi takot na takot ako. Pagkakita sa akin in person, sabi nya, "Are you sure about this?" Kasi nararamdaman nya kaba ko. Umoo na lang ako at nagpasalamat kasi maayos yung buong pangyayari. Ang hirap humanap ng lalake na gentleman na feeling ko safe ako. Lagi akong nag eexplain kung bakit ko to ginagawa para at least man lang may awa silang maramdaman pero 98% ng nag message sa akin, halos walang pakialam sa akin bilang tao.

Ang hirap na bumangon sa umaga. Di ko pa binubukas mga mata ko, lumuluha na ako. Nagdadasal sa Diyos. Pinipilit ko yung utak ko na sabihin na hindi ganito habang buhay. Niloloko ko na yung sarili ko na papasok ako sa work kaya magbibihis at magsha shower na ako. Pinipilit ko na excited ako sumagot sa mga job postings at sinasabi ko sa bawat click na pera yon someday. Para lang talaga makapag apply dahil sa bawat rejection at sa bawat apply na sobrang dami, nakakapanghina ng loob. Iniisip ko kung kulang ba ako, bobo ba ako, ano na mangyayari sa buhay ko. Gumagawa din ako ng listahan ng lahat ng una kong bibilhin kapag nagka first paycheck na ako. Nakalista yon isa isa at iniimagine ko na binibili ko na halos andon na ako. Una don mga vitamins para sa akin at sa pamilya ko. Sobrang mahal ng iba't ibang klaseng vitamins. Susunod, mga fresh na gulay at fruits. Hindi lang de lata or mga instant. Tapos medical and dental check up. Pati mga damit or gadgets at shoes kasi luma na mga gamit ko. Pati na din pagkain ng aso ko at mga pampa vet nya, inilista ko na din. Pati yung mga bibilhin ko na takeout na pancit ng iba naming kapitbahay na alam ko na may pinagdadaanan din kasi kasama sa budget yon. Paulit ulit ko yon nakikita ko sa utak ko na parang andon na ako. Sinabi ko, gusto ko ng work na puwede ako mag Siargao or Boracay. Na magdorm ako tapos magwork sa umaga tapos magha hangout na lang sa beach pagkatapos. Pinakiramdaman ko yung tubig at hangin sa beach. Inimagine ko din na nagpapasalamat ako kay God sa napakagandang trabaho na ibinigay nya sa akin (kahit wala pa) kasi alam ko ibibigay nya, dadating lang yon.

Naglaan ako talaga ng oras araw araw para maramdaman ko na may pag asa pa ang buhay. May mga magaganda pang kayang mangyari. Madaling kainin ng bitterness at depression kapag may pinagdadaanan. Madaming nag question kung may kinalaman daw ba ang Diyos sa pagkakuha ko ng trabaho. Buong buo ko sasabihin na OO. Dahil lang sa Diyos kaya gusto ko din mag reach out sa mga tao na baka pareho ng pinagdadaanan ko at nawawalan ng pag asa.

Sa mga umabot sa post na to, kaya mo to. Di ka nag iisa kahit sobrang dilim ng pinagdadaanan mo. Bawat araw, panibagong pag asa. Kung mahirap isipin ang buong buhay mo, mabuhay ka lang para sa isang araw. Ibigay mo lahat sa Diyos. Sabihin mo sa kanya, alam ko na gumagawa ka ng milagro ng buhay ko. Naghihintay ako. Kaya mo to. Laging may pag asa.

Author
Account Strength
100%
Account Age
2 months
Verified Email
Yes
Verified Flair
Yes
Total Karma
2,404
Link Karma
2,124
Comment Karma
280
Profile updated: 1 day ago
Posts updated: 1 month ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
1 month ago