This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Napapagod na akong maging provider ng jowa ko. We have our small business and siya yung may hawak ng pera pero palagi kaming sagad or minsan kulang pa to the point na need ko pa manghiram sa mga friends/family ko para may pera kami, even my own salary sa full time ko napupunta sakanya/para sa panggastos namin. 🥲
Love ko siya pero napapagod na ako. Nagrerent siya ng apartment na tig 10k na minsan doon ako nag sstay pero imagine 10k para lang sakanya?? Tapos yung pambayad galing sa small business namin, lahat din ng binibigay niya sa pamilya niya sa province galing sa business namin yung pera kaya wala kaming maipon, hindi ko masabi sa family ko kung bakit walang naiipon yung business namin kasi ayaw niya ipasabi so need ko mag reason out ng iba.
Nag resign siya para mag full time sa business namin pero ang nagyayari parang nagiging part time niya lang.
Nakakapagod. Ngayon lang ako nastress ng ganito, sobra.
Gusto ko na umalis sa sitwasyon na to pero pano? Our business is doing good naman pero nawawalan ako ng gana kasi wala kaming naiipon.
This 2023, sabi ko ako na hahawak ng pera ng business para mas ok. Medyo nagtampo siya pero what to do e ako nahihirapan sakanya.
Lagi rin siyang bumibili ng kung anuano na magagamit daw sa store pero nagiging tambak naman. AAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...