This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Hi. Magandang gabi sa lahat. I was having a pretty normal day. Daming work sa office. Around 730 PM kanina ako nakauwi. Kumain kami ni mama ng dinner ng maayos kwentuhan, chikahan hanggang sa na-open up ko yung sa work ko. 4 years na ko dito sa trabaho ko at kakaregular lang sa akin last August. Tumaas naman ang sweldo ko compared nung pandemic na 13k lang ang nakukuha ko per month ngayon naman nasa around 19k na. Di naman ako breadwinner kasi yung tatay ko naman ang sa pagkain, sa kuryente at tubig sa pension naman ni mama. Ang ambag ko sa bahay ay 11k per month. Sa totoo lang ang bigat nagrerent kasi kami. Nasa abroad dati tatay way back 2016 pero di na nakabalik at di rin nakapagpundar ng negosyo mostly because of me para makatapos ako. Licensed medical professional naman ako although hindi naman doctor pero di ako sa ospital nagwowork ngayon kasi sobrang liit. Simula nung pandemic ako na sumalo sa halos lahat ng bayarin. Masaya naman akong nakakatulong pero may mga panahon talagang sobra akong nabibigatan. Alam ko na di ako dapat mainggit pero di ko mapigilan eh. Yung mga kaedad ko nagagawa ang gusto nila, nabibili ang gusto nila, natutupad nila yung mga pangarap nila pero nilulunok ko nalang ang inggit. Sabi nga nila pag inggit pikit, lagi na nga lang akong nakapikit. Ang plano ko ngayon lumipat sa may mas mataas na sahod may mga target naman na ako kahit may offer ang present company na pag aralin ako ng masters hindi na talaga eh. Bumitaw na ako. Kanina pagkatapos namin mag dinner biglang sinabi ni mama na okay naman dyan sa trabaho mo eh kung malaki pa sana kahit papano ang sweldo mo. Ako naman walang ibig sabihin na sinabi ko "kung ako lang, kung sarili ko lang kaya naman makakaipon pa nga ako" ayun nagalit si mama sabi niya "sige magsolo ka na doon sa Pasay hayaan mo na kami dito, tingnan natin kung may maipon ka pa rin at kung kaya mo". Sa totoo lang wala akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko, nagsabi lang ako ng totoo na alam ko para sa akin. Alam ko din na masakit for a parent to hear that kahit I don't mean anything. They are good parents naman and i am thankful sa lahat ng ginawa nila pero nasaktan lang din ako na ganun agad ang naisip niya tungkol sa akin and kanina habang nasa cr ako bumulong siya sa kapatid ko na bilisan na saw mag abroad kasi walang aasahan sa akin. I UNDERSTAND WHERE MY MOM IS COMING FROM, NAINTINDIHAN KO KUNG BAKIT SIYA NASAKTAN SA SINABI KO and i am wrong na sabihin yun pero it was never my intention na iparamdam na they are the one holding me back. Oo totoo na i could have done things and achieved many things if ako lang ang responsibility ko pero kahit mahirap, kahit ang bigat bigat na, kahit may araw na inggit na inggit ako sa iba, kahit na gusto kong umalis nalang ng bahay, kahit na gustong gusto ko bilhin yung gusto ko at tuparin yunt sarili kong pangarap mas pipiliin ko pa ring tumulong eh. Alam ko may mali ako pero masama na ba akong anak? May karapatan ba kong masaktan? Haha. Di ko na alam gagawin ko. Sobrang bigat, ang bigat bigat. Anyway kung umabot po kayo dito. Salamat. Mali ako sa sinabi ko at alam ko yun at di ako gagawa ng dahilan para ipagtanggol ang mali ko. Goodnight 😊
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...