Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

7
Naging pangarap ko na rin ang pangarap mo
Post Body

Long post ahead.

Pasensya ka na at bigla na naman kitang naisip. Sana, ito na ang huling pagkakataon na magsusulat ako para sa'yo.

Maganda ang pasok ng taong 2021 sa akin. Natuwa ako dahil may bagong match ako sa isang dating site. Magaan kang kausap, masayahin at makwento. Pagkatapos ng ilang linggo ay nagkita tayo. Sinunod kita malapit sa inyo, kumain at nagkape. Habang pauwi, dala ang kaba sa aking puso, tinanong kita, "pwede ba ako manligaw?" Pumayag ka. Sa pagkakataon na iyon, hindi ko na mapigilan ang kilig at alam ko simula pa lang ito ng bagong kabanata ng buhay ko.

Alam ko sa sarili ko na sigurado ako sa'yo. Buong buo ang loob ko sa'yo. Ikaw ang gusto kong paglaanan ng aking oras at pagmamahal. Kaya makalipas ang isang buwan ay pumayag ka na maging tayo na. Ako na yata ang pinaka masayang lalaki sa mga pagkakataon na iyon dahil alam kong kasama ko na sa buhay ang babaeng mahal ko. Nakilala ko kapatid mo, tatay mo, kaibigan mo at pati na rin ang aso mo. Dami natin napagkwentuhan, nakain na samgyup at nainom na kape. Bawat oras na kasama kita ay kinililig pa rin ako. Dahil sabi ko, sa wakas! Ang babaeng pinagdarasal ko lagi, ang babaeng pinakagugusto ko ay kapiling ko na. Sasamahan ka mag-aral, ihahatid at susunduin ka sa ospital, kahit ano basta kasama lang kita, masaya na ako. Nagkatawang tao ang mga bagay na hinahanap ko sa isang babae.

Ngunit hindi ko akalain na kung gaano kabilis naging tayo, ay ganon ka rin kabilis mawawala sa aking piling. Nagkaroon ng mga araw na parang malamig ang pakikitungo mo sa akin, hanggang sa sinabi mo sa akin "punta ka dito sa bahay, usap tayo." Kinabahan ako dahil nagkaroon ako ng kutob sa pwedeng mangyari. Pinuntahan kita at nag-usap nga tayo. At doon din, pagkatapos ng pitong buwan ay natapos din ang pagsasama natin. "Hindi ikaw ang problema, ako yun" sabi mo sa akin. Ang hirap intindihin ng mga nangyayari. Hindi ako makapag-salita nang maayos dahil sa iyak ko. Hindi ko rin maipinta ang mukha mo dahil nakayuko ka lang at parang walang emosyon. Tila ba matagal mo na itong kinikimkim. Sa loob loob ko, ayaw kong maging mapag-sarili at maging hadlang sa kasiyahan mo kaya tatanggapin ko kung ano man ang desisyon mo.

Pagkatapos ng ilang araw ay tinanong kita kung pwede kitang makausap ulit. Pagkatapos ng isang linggo ay pinuntahan ulit kita sa inyo. Akala ko mababago ko pa ang puso mo, pero buo na talaga ang desisyon mo. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit biglang ganon na lang. Sabi ko sa sarili ko ay hindi na ako iiyak. Pero dahil sa bugso ng aking damdamin hindi ko na rin napigilang umiyak at sinabing "naging pangarap ko na rin ang pangarap mo."

Mula noon ay ginawa ko ang aking makakaya para hindi ka kausapin at kalimutan ka. Ayaw ko rin makagulo sa isip mo dahil alam kong ang pag-aaral sa board exam ang priority mo. Dumating ang araw na pinakahihintay mo at nag-exam ka na. Lagi pa rin kitang pinagdarasal na sana ay makapag-aral ka nang maayos para pumasa ka sa exam. Bawat araw na lumilipas ay nag-aabang din ako sa resulta ng exam, at iyon na nga! Nang makita ko ang pangalan mo sa listahan ng mga pumasa ay nasabi ko sa sarili ko, natupad na ang isa sa mga pangarap ko. Doctor ka na! Laking tuwa ko kaya binati rin kita. Natuwa ako dahil nagpasalamat ka pa rin sa akin at sinamantala ko na ang pagkakataon para makausap ka ulit. Sinubukan kitang ayain ulit para magkita pero ayaw mo na talaga. Mula noon ay binigay ko na sa'yo ang katahimikan na gusto mo mula sa akin.

Masaya ako dahil natutupad na ang mga pangarap mo. Kumusta ka na kaya? Tinuloy mo ba ang residency mo? Sana ay masaya ka ngayon at sana nahanap mo na ang kapayapaan sa kalooban mo. Higit sa lahat, sana napatawad mo na ako kung ano man ang pagkukukang ko sa'yo. Hanggang sa muli!

Siya nga pala, maligayang kaarawan, doc!

Author
Account Strength
60%
Account Age
2 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
4,632
Link Karma
1,392
Comment Karma
3,225
Profile updated: 23 hours ago
Posts updated: 2 days ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
2 years ago