This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
I blame myself for where I am right now, I blame myself for belittling myself, I blame myself for letting my mother crushed my passion, I blame myself for dwelling so long on what she said to me years ago.
Gusto ko lang magrant, wala ako masabihan hehe.
Simula highschool mababa ang self confidence ko dahil sa pimples. Lagi ako may bandaid sa mukha, pantakip sa pimples. Dumagdag pa yung pagiging closeted gay ko. Dahil don naging sobrang masikreto ako. Wala ako mapagsabihan ng kung ano ano.
Tumongtong ako ng senior high na walang pinagbago. Wala pa rin ako masabihan ng mga personal na bagay. Hindi ko magawang iopen sarili ko, dahil natatakot ako mahusgahan.
Nung malapit na ko magtapos sa SHS, tinanong ako kung anong course gusto ko. Sabi ko IT.
"Mababa sweldo don, kailangan magaling ka para mataas din sweldo mo" "IT? Hindi praktikal yon. Magseaman ka na lang din, kagaya ng kuya mo" "Wala ka mararating don" "Oo pwedeng mataas sweldo mo pero dapat magaling ka, kaya mo ba?"
Sa pagtanong nila sakin non, mas lumiit pa tingin ko sa sarili ko. Parang pinagdudahan nila ako kung kaya ko ba. Parang wala silang bilib sa akin. Natakot ako na baka hindi nila ako suportahan pag pinilit ko yung kursong gusto ko. Natakot ako na pano kung hindi ko nga kayanin? Pano kung hindi ko matapos? Pano kung masayang lang pera nila sakin? Kaya hinayaan ko na lang na sila magdesisyon sa kurso ko. Puro oo na lang ako. Simula non nawalan na ko ng gana sa mga gusto kong gawin. Wala na akong gana sa mga bagay bagay
Nakatapos naman ako. Hindi ako nadelay. Never ako bumagsak. Pero parang wala akong natutunan. Parang wala ako maalala. Parang nagka amnesia ako. Parang dumaan lang saglit yung 3 taon kong pag aaral.
Akala ko madali na lang lahat kasi may backer na ko, yung kuya ko. Akala ko makakasakay agad ako. Yun lang pinanghahawakan ko. Unang sabi sa akin ng agency sa august daw kami magsisimula ng cadetship training. Umasa ako. Pero dumating ang august at wala kaming narinig na update. Sa kalagitnaan ng august, sinabi na september daw magstart. Dumating ang september at sinabi ulit nila na october. At ngayong october namove ulit, november daw.
Himdi ko na alam. Nawawalan na ko ng pag asa. Hindi ko na alam gagawin ko. Isang taon na akong unemployed. Nagtry ako mag apply sa mga BPO, pero hindi ako nakakapasa sa interview. Nahihirapan na ko.
Ano kaya kalagayan ko ngayon kung tinuloy ko ang IT?
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...