This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
I was really devastated nitong weekend sa nalaman ko. I was always the silent type regarding my problems in life, i always knew what to do and how to act, though sometimes it takes some time. Pero ito, tang*na i just really want this offmychest
I have an SO for 5yrs na, on and off kami this past year, siguro dahil sa dami nang pinag daanan and ang hirap nya kausap, we have a 7yr age gap, pero sa tingin ko naman hindi issue yun kasi were both adults, I'm 32 and she's 25. Sobrang immature lalo na kapag serious/deep talks na, although pagdating sa kalokohan and sex, we're very much compatible
Main issue here is yung ugali nya, unang taon pa lang namin nahuli ko na syang may ka date, nalaman ko lang dahil nabasa ko yung txt ng friend nya na sinabi nyang kasama nya that time, all along hindi pala kasi nagtatanong kung ano irereply. Kung hindi ko pa nabasa hndi pa nya aaminin.
2nd time na nahuli ko sya is with her ex, sa chats/txt ko lang din nalalaman, and dun lang sya aamin kapag may nabasa na ako, papalag pa nga sa una e pero wala, huli na talaga. There was also a third time na ang alam ko nagpapahinga na sya pero yun pala gumigimik kasama yung friend ny na girl, tas may na meet sila sa bar then i dunno what happened na. Basta alam ko kinamusta sya then nag send ng video nila last night na sumasayaw sa bar
Sa first 2yrs pa lang namin nangyari lahat yun. Tangina sobrang magagalit ako pero end up, mamimiss ko pa rin sya after a week or less pa nga. Sinet ko na din kasi sa utak ko na gusto ko sya na yung last. Akala ko kasi marrying age na dapat ako e hahaha, or na pressure lang? Basta ayun mindset ko. Tska mahal ko din talaga sya
Fast forward sa 4th year namin na magkasama, wala naman na akong nalaman na kalokohan nya, sa tingin ko okay na eh, naiisip ko na dalhin sa next stage, to be engaged. Pero ito nga, one time nakatulugan nya yung phone nya while watching netflix, taena ako naman ito after 2yrs na hindi pinapakealaman phone nya, na open ko rin, and there was an archived chat. I saw it all tangina may ka talking stage sa office nila, parang MU na nga e pero malayo kasi yung guy, dunno what province, supplier lang daw nila. Tangina akala ko tapos na sya sa mga kalokohan nya, pero bat may ganun pa. Hindi ko agad sinabi sakanya yung nakita ko, lumipas pa 1 week bago ko sinabi pero, dinedeny pa din nya. Nung time na yun pucha sabi ko sa sarili ko tama na. I thought we're going strong na pero bakit same bullshit pa din. At dahil nga marupok ako and mahal ko sya, kahit sinabi ko sa sarili ko na tama na, pota namimiss ko pa din sya eh, and eventually magkasama na kami ulit
After that last incident on and off na tlaga kami, i want to convince myself na tama na. Pero siguro i just love her so much na hndi ko rin kayang mawala sya. And then our fifth year, nitong june na fed up na siguro kami pareho, hindi naman kami nag break, yung usual block sa messenger lang (sabi ko childish talaga dba) and ayun, matagal kami hindi nag usap, July-August.
Pero dahil sa marupok nga ako pota namiss ko sya after 2mos,kaya tinawagan ko sya after work and nag inom kami. Sobrang namiss namin ang isa't isa. Parang napka tagal nung 2mos. So after ng inom hindi na kami umuwi, we decided to check in na lang. For three days. Yes three. And it's not unsual for us kasi sobrang taas kasi ng sexual appetite ko, w/c she reciprocates naman.
Tapos ito, nung sumunod na weekend magkasama kami ulit, Saturday night she fell asleep nanaman while her phone is unlocked, nakatulugan mag tiktok 🙄 so ako nanaman tong na curious, inopen ko yung conve nya ng bestfriend nya sa work. I was really devastated dun sa nabasa ko, i learned na she met his ex, went for drinks and dumerecho sa bahay. Tangina nakipag sex yung girlfriend ko sa ex nya.
Sobrang bigat sa feeling kasi, ako sa loob ng 2mos na hindi kami nagkausap and nagkita, namimiss ko lang sya eh, tapos sya iba ginagawa nya. Mula nung nagkita kami ulit, nag plan nako ng date namin, sabi ko miss na miss ko na syang kasama, kaya ko kalimutan lahat, tangina ewan ko ba bakit sobrang loyal ko saknya or marupok lang talaga ako. Tska birth month ko na din ngayon, so sinama ko na sya sa plans ko with my family
Akala ko masaya na ulit yung puso ko dahil magkasama na ulit kami, yun pala mas lalong dudurugin to the point na tulala na lang ako. I haven't told her abt sa nalaman ko. Naka book na yung places na pupuntahan namin this weekend for our date, sinabi ko na rin sa parents ko na kasama sya sa bday ko. Tangina i can't decide, nor think of anything at this moment. Alam ko na kaylangan ko na makipag break pero pucha sobrang lutang ko, i can't make a move, i can't do anything
*kung umabot ka pa dito salamat haha. Sorry, hindi talaga ako marunong magsulat or magkwento online kahit sa chats 😂 lurker lang ako dito eh, nadala lang ako ng beer na iniinom ko kaya nag post ako dito
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...