Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

0
Gusto ko siya i-confront. Kaso buntis siya ngayon.
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

Gusto ko lang naman din kasi ng closure.

Ganto kasi yun.

Nagkakilala kami sa sakayan ng fx kasi nagtanong siya ng directions. Tapos dun ko nalaman na colleague ko pala siya sa dati kong office.

Ang ganda niya sobra.. Pero at that time, may syota siya nun..

Fast forward to 2020, i catched up with her. Valentines, kinwento niya sakin kung paano siya niloko and all that. May chance na sana ako nun kaso nasa ibang bansa ako that time.

Umuwi ako July 2020. So i catched up again with her and this time, I already said my intentions na gusto ko siya ligawan.

Sabi niya sakin, hindi pa siya ready..

Nirespeto ko kasi galing sa hiwalayan...

So ayun chat chat lang din kami..

Pero habang tumatagal, hindi nagiging constant. At dahil dala narin ng pandemic, hindi ko rin nagagawang ayain siya sa labas.

Hanggang sa isang araw, bigla nalang niya ako hindi kinausap.

90 days.

On the 91st day, isang surpresa nalang ang bumulaga saakin.

May iba na siya...

Heartbroken ako siyempre. Hindi ko alam kung ano ikikilos.

Pinalipas ko ang ilang buwan, nalaman ko na engaged na and just recently, buntis na at nagcivil wedding na sila.

Tanong ko sa sarili ko nung una kung iuunfriend ko ba siya sa fb, pero hindi ko kaya.

Ngayon lang ako nagkaroon ng courage at gusto ko sana siya iconfront.

Gusto ko lang sana siya tanungin.

"Bakit naman ganoon. Sabi mo 2 years ago, hindi ka kamo ready. Pero nagsabi naman ako ng intention sayo"

I just want closures, pero ayoko maging dahilan ng stress niya at baka makunan pa siya.

Hindi ko alam kung kelan, pero gusto siya i-confront. Gusto ko ng closure. Haay 🤦‍♂️

Author
Account Strength
90%
Account Age
4 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
1,835
Link Karma
552
Comment Karma
1,113
Profile updated: 4 days ago
Posts updated: 1 day ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
2 years ago