Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

10
You dont need to save me, but would you run away with me?
Post Body

Simula noong wala na akong social media apps sa aking phone, unti unting nagiging peaceful buhay ko. Wala masyadong pressure. Di nasasabi sa issues ng iba kong friends, tahimik ang buhay. Kahit mayroong mga kaibigan na talagang nakakaintindi na nasa reputation era ako ng buhay ko at gusto ko ng katahimikan, narealize ko lang na mayroon rin pala akong kaibigan na tinetake yon personally. May mga kaibigan akong nagalit sapagkat parang lumalayo na raw ako may nagawa daw ba silang mali. Hindi naman ako nagkulang sa paliwanag sa kanila. Siguro sa ngayon kung hindi nila maiintindihan sa kabila ng lahat ng yon, ayoko na muna iburden sarili ko sa kanila.

Yung iba kasi parang nagiging responsibility na yung pakiramdam ng friendship namin. Parang obligado ka na gawin ang bagay bagay. Yung isa nagalit kasi ngayon daw e wala ako sa social media. Nagbirthday daw sya ni isa wala akong post pero sa lahat daw ng tropa e pinost ko binilhan ko pa ng cake. Naexplain ko naman side ko, pinadalhan ko naman sya ng cake pero galit pa rin sya. Parang ginagamit na lang ng iba sakin yung "friendship" kahit na nadidisrespect na yung mental health ko. Siguro sanay kasi silang ako magaadjust na lang para sa friendship demands nila. Tapos kapag nasa oras na sarili ko naman pipiliin ko ang daming terms na gagamitin sakin. Kesyo ghoster, may favoritism, fake friend, ginamit lang as rant buddy, kahit hindi naman ako nagkulang sa kanila at ginawa ko naman lahat to go above and beyond as their friend.

Sa ngayon, tinutuloy ko pa rin yung no social media ko. Unti unti na akong nagleletgo at nagpapaalam sa mga tao na mawawala muna ako. At natutuwa ako sa mga rumerespeto non ng walang sama ng loob na tinatago sa akin.

Iilan na lang kinakausap ko. 3 na lang siguro. Ang sarap din sa pakiramdam na sa panahong kay dilim ng gabi, mayroong mga taong tunay na nakakaintindi sayo without using your situation against you. Runaway with me 🥺

Author
Account Strength
100%
Account Age
3 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
14,566
Link Karma
6,930
Comment Karma
6,032
Profile updated: 3 days ago
Posts updated: 17 hours ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
2 years ago