Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

2
I'm so proud to myself 🫶
Post Body

At sana kayo din 🫶

Kung may maiinggit man, bahala kayo dyan. Huwag niyo ng basahin. Kung magiging happy kayo for me, then go. Mahaba haba din to kahit papano.

Isa to sa natutunan ko nung iniwan ko ex ko eh. Ienjoy ko yung buhay single ko. I mean, huwag mo ilugmok sarili mo sa bahay. Dapat talaga may hobby ka na mapapasabi ka talaga sa sarili mo na 'nagawa ko!'. Need talaga na lumabas ka sa comfort zone mo. Ako kasi yung babae na takot magtanong, takot sa maraming tao, basta lahat ng katangian ng introvert, makikita mo talaga sakin kasi wala akong social skills. The more na may hobby ka, the more na may makikilala ka. Then malay mo, dun mo mahanap ang the one mo.

  1. Nung iniwan ko ex ko, di ko alam kung paano pupuntang school (which is Maynila and I'm from Cavite). Basta alam ko, bus lang at jeep. Nung tinry ko ang lrt, gumuho mundo ko kasi di ko alam kung saan ako pipila (madaming tao nung time na yun). Edi umuwi ako. Kinagabihan nun, sinabi ko sa sarili ko na 'di ako papayag na di ako makakasakay ng lrt'. So inaral ko and yah, nakakatuwa sa sarili kapag may naachieve kang di mo ineexpect na kakayanin mo.

  2. Alam kong nadaan ang bus sa MOA kapag papunta kang PITX. Always yan pag galing quiapo. Nung time na to, napapasabi na ako sa sarili ko na 'bababa ba ako o hindi'. Lagi talaga ako may 2nd emotion kapag nagdidecide. Nung time na to kahit sinabi kong ayaw ko, pinush ko sarili ko. And yah, ang saya nung nakapunta akong MOA Seaside. Wahhhh 🥰 until now, MOA ang fav spot ko if want ko mag isip isip.

  3. Ito na nga kanina, umalis ako sa bahay kasi gusto ko magroller skate at gusto ko talaga is gabi. Basta I want gabi kaysa mga umaga o hapon. Nung nagroroller skate ako, syempre may coach since ayoko talaga ng walang nagtuturo sakin. Mas feel ko yung may nagtuturo sakin para alam ko yung tama o mali ko. Ayun, ang saya lang habang tinuturuan ako. At syempre, need ko aralin after kasi anong silbi ng pagkuha ko ng coach diba? Nung pauwi naman ako, since ayoko na magbus at nahihilo/nasusuka ako, nagtricy na lang ako. Napatagal ako sa paghihintay. The good thing is, di ako umalis. Kung umalis ako nun, di kami makakapagkwentuhan ni Kuya. Ang saya pala kapag ganun noh? O ito talaga want ko, kwentuhan. Siguro nga. Since late na late na nga ako nakauwi, nakapagpaturo pa ko magtricy sa naghatid sakin pauwi. And yah, nagawa ko siya without hawak sa manibela ng tricy. Ewan ko na lang sa tricy namin.

Ayun lang, proud lang talaga ako sa sarili ko 🫶 ito lang mapapayo ko, hanapin niyo yung want niyo in life. Or let say, kung di niyo alam, try niyo yung mga naiisip niyong gawin. Kahit tamad na tamad katawan niyo, gawin niyo. Then let see if anong reaksyon ang makukuha mo sa ginawa mo. Sabay sabay tayong lumabas sa comfort zoneeeee 🥰

Author
Account Strength
60%
Account Age
6 months
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
1,852
Link Karma
24
Comment Karma
1,828
Profile updated: 5 days ago
Posts updated: 2 days ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
2 weeks ago