This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
I (26F) and my husband (31F) are in debt. Madami kaming utang to the point na majority ng sahod namin napupunt sa bills. This time, nag pledge kami na hindi muna magbibigay ng gifts kasi magbabayad kami ng utang.
Mejo na-off lang ako sa mama ko, sa family ko, sa side ni mama also. Nung nakaraan kasi nagpapabili si mama ng worth almost 3K na regalo. Sabi ko, pass. Hindi pa bayad yung pinatanggal ko na wisdom tooth which is 10K halaga (naka 2 gives).
Tapos ayun nagdadamdam siya. Kesyo bakit daw si Tita ganito bnibigyan ng anak niya ng ganito. Ako daw hindi. Which is nung dalaga naman ako pag meron go eh. Mahal pa nga minsan.
Basta banggit sya ng banggit na si tita ganito binilhan daw ng anak nya ng ganun. Eh wala naman asawa yun and bills. Unlike namin. Bahay, kotse, bills. Ang bigat bigat na kinocompare ka pa kung kani-kanino.
Nasabi ko na lang kay mama, “Bakit ba kasi tingin ka ng tingin kay tita? Inggit ka ba dun? Tsaka maganda trabaho ng anak nya ako teacher lang”
Sorry sa “lang” pero yun talaga nabanggit ko since hindi ko naman first choice ito. Although I love teaching na ngyon, hindi ko lang maiwasan masabi yan sa inis at sama ng loob ko.
Kaya this Christmas at New Year ayoko muna maglalabas. Ayoko muna magpakita sa kung sinoman. Tinatabangan ako ng ganyan na yung mga bagay eh laging required ka magbigay. Pag birthday, magbigay ka. Pag Christmas, magbigay ka. Gusto ko sana kahit dati pa kung magbibigay ako, yung bukal sa loob hindi yung ganyan na dinidiktahan ka.
Hindi ko na lang ma-rason sa mama ko na noong bata nga kami pag may mga gusto kaming bagay, hindi maibigay kasi walang pera. Hindi naman ako nagkumpara sa ibang magulang noon. Pag sinabing wala, okay lang.
Pati mga kamag-anak. Pag ganyan required ka din magbigay. Nakakaumay.
13th month ko halos napunta sa bills. Which is okay lang naman sakin. Pero yung hihingan ka pa ng ganyan o kung ano ano, tinatabangan na ko.
Ps. Wag niyo po ako i-bash. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 weeks ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...