This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Medyo strict yung parents ko. They have this typical rule na bawal kami mag boyfriend hanggat hindi nakakapag tapos ng pag a-aral.
A little back story lang. I (F19) is the bunso of the fam, the princess kaya medyo spoiled ako. Ever since i was 17, everytime i go out, i always joke about "May date ako" or kapag may nag bibigay ng something sakin, i always say "bigay ng boypren" tapos tatawanan lang nila ako tapos sasabihan ng illusyunada. Hindi ko alam if matutuwa ba ako kasi they trust me or maiinis kasi di ba ako ka jowa-jowa?!
Earlier today, i cooked for my family and sa mga gumagawa ng sasakyan namin. While i was cooking, dumating si papa and chinika ako. So habang nasa tabi ko siya, pinatikim ko sa kaniya yung niluluto ko and sarap na sarap siya (not to brag pero magaling ako mag luto 🫦😎)
And he said "anak, alam kong sabi ko bawal ka pa mag boyfriend, pero pinapayagan na kita" as in out of the blue kaya tawang tawa ako.
Sabi ko "pano yan, ayaw ni mama?" Sabi ba naman "ako bahala sa mama mo"
So tumatawa lang ako. "Kahit mag asawa ka pa anak papayagan kita eh. May nagugustuhan ka ba? O hahanapan kita?" Sabi niya hahahaha tawa talaga ako ng tawa.
"Bakit naman naisipan mo bigla na pag asawahin pa ako? Ayan si ate ikakasal next year oh"
"Nak, matanda na ako, kahit makita ko lang sa ate mo na may apo ako okay na, pero ikaw, gusto ko makita na may nag aalaga sayo pag wala na si papa" sabi niya.
81 years old na yung tatay ko, 61 naman si mama. Kaya madalas, mahilig mag drama tatay ko haha i love him tho.
"Ano ba gusto mong mapangasawa ko? Gusto mo ng afam?" Pag jojoke ko.
"Kahit sino basta magugustuhan mo at syempre kaya kang buhayin. Pwedeng piloto, seaman, police basta kahit sino basta may pangarap at kasama ka sa pangarap niya"
"Basta nak ha, mag hanap ka na. Isang buwan pa bago mag pasko baka kaya pang umabot nak" tapos tawang-tawa na lang ako
And he just hugged me. Wala, i just want to share this. Ang cute lang kasi ilang beses na niya ako kinukulit na mag jowa na daw.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 week ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...