This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Para syang pick me na nakikipag kumpitensya samin. Kailangan sya lagi the best, kailangan sya din lagi nakakaawa. Walang empathy, di ko maramdaman yung “motherly love”. Good provider sige. Kinapos lang sa pagiging emotionally available. Dami kong issue sakanya pero ito ung pinaka nakakapagod
Pag may mag oopen saming magkakapatid ng struggles namin sa work, hindi makiki empathize, babanat agad sya ng “Ako nga…” like okay, ikaw nanaman pinaka nakakaawa. Ang hilig nya sa mga “Ako nga..” statements kahit anong topic pa yan. Para bang naiinvalidate ung struggles namin kasi she had it worst. Gets ko naman na rags to middle class sya and I don’t want to discredit her. Pero need ba lagi nalang sakanya umiikot lahat?
Feeling nya sobrang yaman nya guys. Pakitang tao sa mga tropa pero pag dating sa pamilya, kuripot. Akala nya luxury na ung Lacoste hahah tangina! Porket kaya na nya bumili nang ganon akala nya nakaka lamang na sya sa ibang tao, when in fact, daily wear lang yon ng mga tunay na mayaman. Madalas binabasag ko trip nya, kailangan eh. Masyado nang mayabang. One time nag cafe kami sa province, tapos umabot ng 2k pesos ung bill(me, dalawa kong ate, lola, tita, and sya) tapos galit na galit sya. As in ang daming sinasabi, ang sama ng loob nya na sya nagbayad nung 2k. Dalawang libo lang yun ha, pag nagkkwento sya samin nililibre nya mga tropa nya sa ganitong kainan proud na proud sya. Tas 2k tinipid ang pamilya. Pathetic. Yung validation ng tropa ung pinaka gusto nya. Pick me na pick me hahaha ang daming binibili na diamonds atsaka kung anu anong bag pero yung bahay ang gulo gulo. Ung sofa namin dito 9years na bulok na ayaw pa palitan hhaahha tas never pa naging motherly figure talaga hays
Dami ko issue sakanya intro palang yan wala lang just needed to let it off my chest
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...