Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

51
Kailangan ba pag big4 grad alam lahat ng english term?
Post Body

Medyo mahaba 'to. Haha

So ayun I'm (m30) a big4 grad and a licensed civil engineer working in the field for almost 9 years. And I met this redditor na lawyer daw (f29) yesterday to have some coffee. Big 4 grad din daw siya but we're not from the same school. First impression pa lang hindi na maganda dating sakin. Nauna ko sa SB so naghintay hintay panko mga around 10 mins, then dumating siya (naka grab) so sinalubong ko siya dun sa babaan. Pag baba niya, dii niya ko pinansin kung di pa ko nag hi then she responded "di ko ineexpect na ganyan pala height mo". I'm only 5'3, e kasalanan ko ba yon? Maliit din yung parents ko? Pero di naman siya mas matangkad sakin, i think same or mas mataas lang ako ng konti. But regardless, wala naman siyang narinig na panget sakin kahit she's unpleasant to the eye. Di siya mukhang lawyer (in my point of view since judger naman ako) haha siguro I would rate her 2/10. Mataas pa nga to considering na ganun itsura niya, tapos sobrang baduy pa ng outfit na parang 2010 vibes na parang aattend lang ng groupings nung high school.

Going back sa kwento, nakaroder na kami at umupo sa corner na table since yun lang yung vacant at pang isang tao lang halos yung size ng table. Nauna siya kasi gusto nya dun sa pwesto na yun then ako. Pag upo ko, tumama yung paa ko sa kanya, tapos sinungitan agad ako na "inapakan" ko daw siya. Na hindi ko naman sinasadya na extended yung paa nya dun at ang liit lang nung table. Nagsorry naman ako immediately. Then okay na yung order tinatawag na yung name niya, e medyo malayo yung pwesto namin at di ko narinig agad dahil mas rinig ko pa yung boses nung nasa likod ko. Sinungitan ulit ako kunin ko na daw yung drinks. Nag sorry naman din agad ako tapos kinuha ko na, pero di naman necessary yung ganung tone of voice. 3 strikes na yun para sakin at gusto ko na umalis. Pero syempre I'm trying to be nice pa rin. It was just a friendly meet up and napalaki naman ako nang maayos ng father ko enough para hindi mangup@l ng tao.

Pero kahit ganon nakipag usap pa rin ako ng matino, at dahil we're from different firm e ayun yung naging topic ng usapan. I asked her things na related sa field niya para lang maging relevant yung usapan. Sumasagot naman siya, pero nung napunta na dun sa nagtanong ako regarding sa case ko with sss, nanghingi ng fee ampo0t@. Tapos hindi siya tunog joke at sobrang hard ng tone. Kofal ka va vos? Anddami nan strikes gusto ko na umuwi. Then napunta naman sakin yung topic, eto na yung word na hindi ko alam kung english ba o ano kasi tunog latin. I told her na hindi lang yung basta na plan na makikita mo sa google yung meron kami since nasa big firm ako. Then sinabi ko sa kanya yung tawag sa mga plans and mga difference non at similarities. Sabi ko merong exactly the same drawing na plan pero magkaiba ng name dahil magkaibang part of construction siya gamit. Tapos sinabi nya, "Ah magkaiba lang sila ng nomenclature" Eh sobrang alien sakin nung word as in, in my 30 years of existence hindi ko pa siya narinig or nabasa somewhere so wala akong idea na may word pala na ganun. Napasabi ako ng "ha?" Sagot ba naman sakin, "Akala ko ba big4 grad ka?" Hala tapos anlakas nung boses nya. Sobrang uncomfortable na gusto ko na talaga umuwi. E sa hindi ko naman alam na may ganun palang word, sabi niya rin na i search ko. Pero di naman ako ganun ka mangmang para di ko magets yun sinabi niya na term. Since nomen means name di ko na alam yung kasunod pero sa pagkakagamit niya nung word e naintindihan ko naman. Talagang di ko lang alam na may ganun pala na word. After non tinanong niyabkung anong batch daw ako graduate kasi may friend daw siya na schoolmate ko. Na pinakita niya pa picture sakin at kilala ko yun pero hindi ko naman naging kaklase same course lang kami. E di ko na feel magbigay ng personal info dahil sa mga lumalabas sa bibig niya na di ko nagustuhan sabi ko di ko alam. Di ko sasagutin yan. I even told her na sobrang uncomfortable na ko kaya di na ko magsasalita. Sabi ba naman, mag bobook na daw siya ng grab at uuwi na. Hahahahaha pakealam ko ba kung umuwi na siya e mas gusto ko nga yun. Sinabihan pa kong fraud at tinanong alin daw sa mga sinabi ko yung di totoo. Unang una wala akong balak makipagkita sa kanya dahil marami rin akong ginagawa at kakagaling ko lang sa sakit. Siya lang tong may gusto for some reason. Di ako interested sa kanya kahit di ko pa siya nakikita, lalo na nung nakita ko na siya. Buti na lang nagkaron ng pagkakataon na makatayo at umuwi na kasi di ko na gusto yung nangyayari.

Kahit ganun yung nangyari, pinilit ko pa rin maging nice sa kanya. Kahit nasayang yung oras ko. Hahaha bwisit na nomenclature yan nasabihan pa kong fraud. Pero lawyer naman siya e, pwede niya ko ipakulong kasi pumipirma ako sa structural plans e kung fraud nga ako bawal yun. Hahahaha yun lang. Share ko lang huhuhu

-jfraud

Author
Account Strength
60%
Account Age
7 months
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
684
Link Karma
594
Comment Karma
90
Profile updated: 6 days ago
Posts updated: 2 days ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
2 months ago