This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Delegation of task of a Manager.
Hanggang saan ang scope nito? What we meant is until to what extent?
The reason why we are asking for your insights is because for example Monthly Business Review, creation and prepping of deck inassign sa amin, on top of that, gusto nya kami nagprepresent din ng deck sa mga shareholders tapos sya audience lang. I know for some sasabihin na, for our development and career growth ito, which is true pero until to what extent? I know sa contract may nakalagay na "to be assigned with other task" or somethinf similar etc. pero how far?
Another example, she has a ticket addressed to her queue, magpapameeting pa sya ng biglaan kasi urgent daw tapos during the meeting, ididiscuss nya ung ticket na yun sa amin at magpapatulong kasi hindi daw nya maintindihan, please take note, her tenurity sa operations as supervisor is 10 years, para sabihin nya sa amin na hindi nya naiintindihan kung ano gusto manyari sa ticket is a bit questionable lalo na lahat kami sa team is newly hired and wala pang one year sa company, moreover kapag pumapalo ng more than 20 tickets na ung nasa queue nya, ipapasa sa amin para mawala sa kanya para hindi sya masita ng higher ups. Much worst this are tickets as old as 4 to 5 months and prone to escalations na. Yesterday nagsabi sya na "sana pag naescalate ka, may leader na pwede pagpasahan ng liability" 🤣 Habit nya din na hindi pansinin mga naka assign sa kanya kasi sabi nya "hayaan nalang natin hanggang sa hanapin, kung walang maghanap mas mabuti, makakalimutan din yan"
Another example again, simpleng pagdownload ng excel file hindi nya magawa, iuutos pa talaga, simpleng pag set ng calendar para sa mga meeting nya, iuutos pa nya, simpleng pag format, pivot and pagbasa ng excel data iuutos nya pa, whats worst, during our meeting nakasharescreen sya onetime tas nakita doon na may pinapagawa sa kanya un pinakaboss ng lahat tas sya lantaran nya ipinasa sa amin, na akala nya hindi namin nakita ung chat sa kanya na inutos. meeting wise, palunch nalang ang team magtatawag pa sya ng on da spot meeting kaya ending working lunch na wala namin kaming mabiling lunch kasi 11:30 biglang magsesend ng invite kasi nagpapanic nanaman sya mga inuutos ng boss nya tas ibabato nanaman sa amin ðŸ˜
eto pa, ung end of week nya nakabase sa end of week namin, which is cinocopy paste nya mga nakasulat sa mga ginawa namin tas ilalagay nya sa kanya. one time nakaleave ung boss namin, so ung coo sa kanya lumalapit, tapos hindi daw sya maalam gumawa ng end of week report na hinihingi ng coo kaya sa amin lumapit para magpagawa.
please tell us, until to what extend ba talaga yan work delegation na yan at yan other task to be assigned sa contract.
hindi kami reklamador pero truth be told, halos ng work nya distributed sa team namin tas sya taga reply lang sa email parang ang lumalabas, sya ung nakafront tas behind the curtain kami un sumasalo sa trabaho nya.
ang hirap magpush back sa kanya kasi ang isasagot nya sayo, "kung hindi mo gagawin, so ano gagawin mo na? hindi ba bawal tayo magkaidle time, dapat naghahanao tayo ng project or task na dapat pagkaabalahan" nakakaloka, correct me if im wrong as analyst di po ba ang required capacity ulitization is dapat asa 75 to 80% pero ung buffer na 20% can be used for anaylsis nung team member? gusto nya kasi ata overutilized kami.
out of shift, day off or leaves kinokontak pa kami thru teams and emails pag may naiisip syang mga idea or ipaguutos 🤣
ginawa nya kami karenderia sa dami nyang order tas sabay sabay pa. Yes, ito din po ung boss na nampopower trip sa new hire namin from my old post 🤣
thanks sa advise and insights po.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 month ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...