This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Kanina sa work napaiyak ako (25M) dahil tinanong ako ni boss kung ano gagawin ko kapag biglaan akong nagka100k.
It was a joke question pero maya-maya hindi ko napigilang magseryoso kasi una talagang tumatak sa isip ko ay ibigay kay mama eh (59 going 60 this Sunday).
Napaiyak ako ng wala sa oras and expressed how disappointed I am with myself na matanda na sina mama at papa (70) kasi wala pa akong nararating sa buhay na dapat hindi na sila nagtratrabaho at nabibili ko na luho ko at luho nila.
Plano ko ngayong bday ni mama ay bigyan sya ng additional money aside sa 3k per cut off na ambag ko sa pamilya ko (Eldest 26F no work dropout, youngest 24M no work dropout din)
Balak ko sana magCA para total of 8k bibigay ko sa kanya this Sunday kaso ndi talaga pwede 😅.
So eto hanggang 5k lang mabibigay ko sa kanya 2k lang dagdag.
Kanina dumiretso akong Megamall habang nagluluha ng konti at nakatakip yung jacket ko sa mukha. Kung titignan siguro ako ng mabuti ng mga nakakasalubong ko malamang makikita nila luha ko, feeling ko nakita naman and I'm thankful that they didn't mind out of respect for facing my own battles.
Naiiyak ako papunta at paalis ng Megamall iniisip na habang yung iba nabibigyan ng magandang regalo magulang nila pagka60 tapos eto ako pota mga common na ambag ng well off rich kids sa magulang nila sa start ng career nila ang special gift ko kay mama.
I decided not to post this on my rant account since this wasn't out of anger but out of grief na hanggang dito lang ako.
Pero after crying a few more I decided to tell myself na hanggang dito muna ako, tuloy lang sa laban ng buhay at maghanap ng mas magandang trabaho.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 4 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...