This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
REASON FOR EDIT: TRIGGER WARNING, talks about suicide, suicidal thoughts
35F with autism and bipolar 2. Ayoko nang mabuhay. Isang linggo ko nang iniisip ito araw-araw. Long story, but I lost a special friend and an entire friend group. Wala akong choice. I had to do the right thing, but as usual, nasacrifice ang kaligayahan ko. Nobody cares where I will end up.
It's not the first time I lost a whole server because I'm not allowed to talk to one of the regulars. Ang sakit. Wala akong ibang social life kundi Discord. That's the short version.
The other time, a guy liked both me and a suicidal girl. He told me the situation, and I gave them my blessing. Inisip ko lang that she needs him more, and I will find someone later. Religious kaming lahat sa server na yun kaya naniwala ako na ibe-bless ako ni Lord ng mabuting partner tulad niya. A few days later, suicidal nanaman si girl kasi insecure siya sa weight niya. Gustong mag-OD ulit. And none of our friend group was online at the time. So sinakyan ko muna siya. Pilit kong idistract. Pero ang hirap. Kaya ang sabi ko, kumain ka muna bago uminom ng gamot. Ayaw niya, sabi niya nagi-intermittent fasting siya. Turo ng kanyang bf. Pero gusto niyang mamatay? Ang labo diba. (btw religious bf, tangina ka, dapat inaalis mo ang insecurities ng wife mo hindi tinuturuang magstarve ng sarili niya.)
Kakakuha ko lang ng meds ko noon at ilalagay na sa pill box ko. Tinanong ko kung ilan ininom niya nung nag-attempt siya last time. Ah okay. Sabi ko kung mag-oOD ka eh mag-oOD din ako. Pero kalahati lang ng sinabi niya yung tinabi ko. Kumain ako ng dinner at inunahan ko siya uminom. Natauhan naman siya at di niya tinuloy. Nagsipilyo at natulog.
Paggising ko, kalahati nalang ang front tooth ko, pakiramdam ko bumagsak ako sa sink noong nagsipilyo ako kasi hindi wasak yung buong ngipin. Pinakita ko sa admin ng server namin at kinuwento ang nangyari. Sinabi ko rin sa girl at sa guy (I think) at pinakita ko selfie ko as evidence. Blinock ako ng dalawa. Naging awkward na sa server dahil regular sila pareho. So I left.
I practically saved someone's life... and that's the reward I got.
Ngayon naman, nahulog ako sa isang girl. 2 hours lang ang distance namin. Similar interests and struggles in life. Late lang ako ng 3 days para i-ask siya. 25 days kung idagdag ko yung time na nag-uusap sila ng gf niya. Naghesitate lang ako noon because she was very sexual. Pero she was willing to control the sexual tendencies for her gf. So useless pala yung paghesitate ko. Ang malala dito, naintindihan niya ako. Pinagdasal niya na makahanap ako ng iba. Someone better. Doon ko nalaman, she's that one in a billion person na believer at naiintindihan ako. I had to respect her wishes, lumayo ako. But I didn't find that "someone WAY better than me".
Siya lang ang nagbigay sa akin ng courage na maging mas active at open sa server. Siya lang ang nag-appreciate ng mga hilig at quirks ko. The chemistry was there. But timing is a bitch. Kaya ang dasal ko nalang ay, "Lord bakit ganito nanaman? Yung almost happy? Dapat ba agawin ko siya sa gf niya at awayin ang buong server? No. I did the right thing. Ang daya naman. Ginawa ko yung tama tapos ako magsasuffer."
Alam ko naman, na kung maging kami ni girl ay mahihirapan siya sa akin. But we would work on our issues together. Very supportive and committed siya sa relationship. We would both do our best. But I guess I don't deserve that. I'm not good enough to have support like that.
Wala akong trabaho. Natrauma na ako sa unang work ko. I have only one long term IRL friend pero long distance rin. Pinipilit ko mag-aral para makahanap ako ng work pero matagal pa yun at ngayon palang nanghihina na ako. I have no future to look forward to. Pinipilit ko lang sarili ko bumangon araw-araw. Nakakasawa na.
Hindi ko na kayang lumaban. Every day I wake up feeling like shit na, walang humpay yung negative thoughts. I know why people don't like me or won't talk to me. I have nothing to offer. Literally good-for-nothing. Pabigat lang ako sa pamilya ko. Sana pumanaw na ako para maluwagan sila. Araw-araw ko itong idinarasal. Sana kunin na ako ni Lord kahit sa impyerno ako itapon.
Broken and broken na ako. This always happens to me when I think I'm ready to reach out. I'm so sick of being unappreciated and unwanted. Ang hirap mag-effort nang walang napapala. Sorry sa lahat ng nabother ko. Sorry na ganito ako. I didn't want to be born this way, I didn't want to live at all.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...