This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
4 years...
Dahil sa Pandemic, nawala lahat. Mahal sa buhay, pangarap, pati na rin ang future.
2019, umuwi ako ng Pinas galing Japan para mag-propose sa GF ko nuon. With a dream to settle down sa 2 years after.
2020, Pandemic healed our planet, pero nawala sakin ang fiance ko dahil hindi ako makauwi nuon. I later found out, meron ng iba....dala ang perang pinaghirapan ko. Sa kanya ako nagpapadala bilang patunay na papakasal kami.
2021, Nasa Japan pa din, on the month of our planned wedding...my Father died. Corona peak, it was April. Tapos mainit pa.
2022, After magka-Corona ang Lola ko, nuon nakaraang taon, pumanaw na rin sya due to complications and age. Wala ako sa tabi ng mga taong mahal ko.
2023, after 4 years...I finally came home kahit bakasyon lang. I had to, kasi ang Tito ko naman may Cancer and need ko sya makita since di ko nakita ang Papa ko at Lola ko bago sila pumanaw.
2024, sa huli, pumanaw din ang Tito ko sa laban nya sa cancer. At wala din ako sa piling ng mga taong mahal ko. Then, just last month, naospital ang mama ko dahil sa sakit sa bato. Naka-recover, pero panibagong opera na naman sa ibang sakit. Again, wala ako sa amin para makatulong.
2025, SANA....sana makauwi na ako ng Pinas. Kahit after years of work, talo din ako. Walang ipon. Single, 35(M) na. Bilang panganay, mukang di na ata ako makakapag-asawa pa o pamilya.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...