This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
They say no closure is closure in itself pero gusto ko nalang makaalis sa phase na to.
I've been doing ok for a month. Nakafocus lahat sakin. Working out. Eating healthy. Surrounding myself with people who uplift me. Lahat ng self improvement na dapat energy to stalk and anything about sakanya, sakin ko fin-ocus.
Tapos pag pumitik ka lang ng isang beses, back to zero na ulit. Back to the neverending questions in my head. Ang hirap, gusto ko na lang naman makalimot ng tuluyan.
Takot na takot ako sa kung anong pwede mangyari. Kumusta na kaya siya? Binalikan niya na ba ex niya? Rebound lang ba talaga ako the whole time? Tangina nakakabaliw.
Honestly? Sana nga ganun nalang eh. Para madali tanggapin, madali magmove on. Pero wala. Walang closure, walang peace kasi walang kasagutan. Hindi ko maintindihan yung concept ng no closure is closure. Di ko sure baka matigas lang talaga ulo ko. Ewan ko.
Gustong gusto ko na makalimot. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa, wala pa ata ako dun sa stage na yun. Gusto ko na maglet go pero hindi ko alam pano makakalas completely, dahil ba nakakapit pa rin ako kahit konti? Gustong gusto ko magpatawad, gusto ko rin patawarin sarili ko pero hindi ko rin alam kung pano. Nakakafrustrate gumising araw araw na naaalala't naaalala ko siya. Ang hirap na di ko kayang ilabas tong naffeel ko sa mga kaibigan ko kasi ayoko ng bad energy. Ang hirap magpanggap na okay ka, pero ayan nagrerelapse paminsan minsan.
Di ko na alam pano. Pero sana mawala na to lahat. Gusto ko nalang maging manhid completely at makakalas sa stage na to. Please universe, lord or kung sino mang divine source na meron. Ayoko na po, hindi masaya tong phase na to, please pakikuha na po nito lahat.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 3 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...