This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Bg lang about me. I'm F, bi. Di naman sobrang pretty, sakto lang. Habang naglalakad ako kanina papasok sa work, may car na tumigil sa unahan ko. Then pagtapat ko sa window nya (naglalakad kasi ako) nagtanong kung gusto ko daw sumabay sabi ko di na po habang naglalakad pa din. Pero nagsasalita pa din sya nagtatanong kung san daw ako papunta hatid na daw ako. Sabe ko papuntang work po. Tas sabi pauwi ka na sabay ka na. Tas sabi ko di po papunta pa lang. Then nag ask nanaman kung malayo pa sabay na daw ako. Habang naglalakad pa din ako na tanggi ng tanggi kasi parang gusto nya kong pumasok na kotse nya ako naman tong ayaw ng kausap iritang irita talaga kasi wala ako sa mood makipag usap kanina. Pero etong si kuya nag ask pa kung anong out ko daw at kung gusto ko daw bang pumasyal balikan daw nya ako mayang gabi. Sabi ko na lang di ko sure out ko. Tas bigla ng nagtanong kung nagpapabayad daw ba ko willing daw sya. Medj slow pa ko dun sabe ko "po?" Sabi magbayad daw sya tas sama ako sakanya pagka out ko. Di ko na tinanong kung ano babayaran nya basta nagtuloy tuloy na lang ako sa paglakad huhu. Pero habang naglalakad ako nagsasalita pa rin sabe tara na ate. Kahit tanghaling tapat may mga ganyan sa kalsada 😠bgc pa man din. At di naman mukang lasing si kuya. Hays. Siguro kung babae pa sya sumama ako. Charot. Btw kaasar lang kase wala talaga ako sa mood makipag usap kanina tas ang kulet pa nya andaming tanong ang init pa naman plus malapit nako malate nun punyemas.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...