This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Nalaman ko na may nag alok kay papa ng lupa malapit sa bukid/bodega namin na ang total worth is ₱1M! Hindi niya kinagat yung alok kasi aanhin naman daw namin yung lupa eh may lupa na kami na malapit lang din. Nakita ko na for sale ulit yung lupa but worth ₱3.5k per square meter na daw sabi ni papa. Ako na ngayon lang nag aaral tungkol sa investment ay nanghinayang. Sayang kasi kahit na ba may lupa na kami na malapit, who knows diba kung ma-develop yung lugar edi tataas yung value. Sabi pa ni mama sayang kasi kung sinabi sakanya noon nung inalok pa lang kay papa binili na sana nila, afford naman nila eh... sabi pa ni papa eh kung tatayuan mo ng commercial building kung hindi ka naman maalam paano paandarin ang business eh sayang lang. 🤦🏻♀️ Papa, tama ka pero kahit hindi tayuan ng building yung lupa tataas pa rin value nyan dahil lumalago yung city natin... yung dating tahimik na bukid/bodega namin ngayon ay maingay na dahil madalas na dumaan ang mga sasakyan. Busy road na.... sayang talaga... haaayss
Subreddit
Post Details
- Posted
- 4 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...