This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
after 10 months of review!!! the day na nageexam ako, day 1 palang alam na alam ko na sa sarili kong papasa ako. nakangiti nalang ako after the first subj kasi binawian ko talaga kung saan ako nahirapan ng sobra!!! di parin naging madali yung exam, akala ko sa application ako tatagilid, pero siguro dahil nakasulat na sa plano ni Lord na panahon ko na ngayon, eh ipinagkaloob na ðŸ˜
sobrang sarap sa feeling 🥹 di parin ako makapaniwala na may post nominals na ako sa pangalan ko. real yung nginig kasi di ako makapaniwala na nakapasa ako, at yung lula sa una nung nakita ko yung pangalan ko sa list. akala ko pa nga wala nanaman ako, sabi ko pa "huh, di nanaman ako nakapasa!?" til i read the list carefully and saw my surname. i still get goosebumps when i see the list, and knowing na one of the most difficult exams daw yung tinake namin, sobrang amazed rin ako kung paano ko kinaya 🤯🤯
sobrang dami kong pinagdaanan sa acad years ko, tapos sinabayan pa ng sobrang daming life challenges na i wouldn't dare to wish on anyone else sa sobrang hirap. lahat na iniiyak ko, lahat na rin ng santo natawag ko kasi di ko alam ano sunod sa buhay ko by the end of the review.
i'm trying to savor every bit of this success. ang daming job offers from major hospitals and reputable clinics kasi i was able to build a good portfolio nung college. hay, self. unti unti na nagpapay off lahat. sa ngayon, pahinga muna ako. may target hosp/clinics muna ako, pero magrerecharge lang ako bago lumaban ulit. nagenroll ako sa driving school para malibang, tsaka panahon na din siguro para ipursue ko naman love life next!! 🫨🤣
Subreddit
Post Details
- Posted
- 6 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...