Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

4
Today was supposed to be our first anniversary…
Post Body

But of course, we didn’t make it. Some people even told me:

“8 months lang naman pala eh” “Bago lang naman pala” “Edi ba 4 years kayo ni ano”

I know right. Tangina. Pero di ko alam bakit ako nagkakaganito. Siguro dahil sa iyo ko lang nakita lahat ng gusto ko sa isang tao, ipinaramdam mo sakin lahat ng magaganda. Pero lahat pala yun, sa simula lang. Hinding hindi ko inakala na sasaktan mo ako ng ganito.

Sabi mo: “Kailangan kong ayusin sarili ko” “Ayaw kong madamay ka sa mga problema ko” “Wala ko sa tamang headspace para makipagrelasyon” “Hirap na ako mabuhay na may double life”

Pero ang totoo, ayaw mo na kasi sa akin. Sana naging honest ka nalang. Kasi nung dumating yang babae na kasama mo ngayon, bigla mokong isinantabi. Ang galing. Pagkatapos nating mag-usap for closure, dali-dali kang pumunta sa kanya, at simula noon ay nagsama na kayo.

Walang grieving period para sayo no? Wala lang siguro talaga ako sa iyo. Hindi ako naging mahalaga at palagay ko hindi mo rin talaga ako minahal. Kasi kung minahal mo ako, hindi mo ako magaganito.

Sabi mo pa, ako na ang huling babae mong mamahalin. What a joke. At hindi siya nakakatawa. Pinagmukha mo akong tanga. Naniwala ako sa lahat ng sinabi mo. You know what I have been through, yet, you just went on and put me back to the same fucking situation. Nagtiwala ako sa iyo na hindi ko na magiging problema ang ganito, basta maniwala lang ako sa iyo na mamahalin mo ako ng tama. Sige, siguro sa simula oo. Pero tangina sa dulo, ginago mo lang din ako.

Napaka-daya ng universe, kasi isipin mo ako ang naiwan, ako ang naloko, ako ang nasasaktan. Anong ginawa ko ba para parusahan ako ng ganito? Habang ikaw nagpapakasaya kasama yang babae na yan, ako andito parin. Stuck parin ako. Di ko maipagkakaila na mahal pa rin kita.

Pero no, I don’t want you back. Sana tuloy tuloy na yang pagiging masaya mo. Sabi ko sayo, ako na sasalo ng lahat ng sakit. Kasi ako lang naman yung may pakialam.

Pero pa-isa lang, ngayon ko lang to sasabihin. FUCK YOU!

Author
Account Strength
50%
Account Age
1 year
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
639
Link Karma
32
Comment Karma
607
Profile updated: 17 hours ago
Posts updated: 1 week ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
7 months ago