This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
My bestfriend enrolled sa masters to be able to qualify for better opportunities in life. Sa tulong na rin ng family niya. Marami syang mga pangarap sa buhay at sobrang saya kong unti unti na nya yong naaabot.
Isa sa subjects nya ay math. Isang specific na math subject na medyo engineering level na rin. Ayun lang yung math subject nya sa buong taon na magaaral sya ng masters nya. Dahil don, sobra yung anxiety nya na kung di nya mahit yung maintaining grade sa subjects nya, possible na di sya makaproceed sa another step doon sa goal nya. Kaya talagang kayod sya sa pagaaral.
Matalino tong taong to. Sobra. Pero sabi nya kahinaan nya ang math. Knowing na engineering graduate ako, sakin sya unang unang nagpatulong.
Sabi nya sakin kung pwede ko raw ba syang turuan ng subject na yun kasi wala syang confidence. Hirap na hirap syang sumabay sa classmates nya at hindi nya magets talaga ang professor. Hesitant ako mag yes, kasi hindi ko rin forte ang math eh. Hirap din ako. Pero kilala ko tong best friend ko, sa mga weak points nya sa buhay, sakin sya kumukuha ng confidence at lakas.
Nagumpisa yung subject nya at nagset kami ng every other day tutorial class. Inonotes nya lahat at tsaka namin aaralin. Tuturuan ko sya ng lahat ng bagay doon. Tuwang tuwa sya kasi nagegets nya raw sobra. Para daw ang dali dali pag ako nageexplain pero pag sa prof complicated daw at hindi pa shortcut. Sobrang saya nyang nakakasolve sya ng math equations to the point na iyayabang nya sa kapatid at parents nya. Nagugulat sila gaano daw sya nagiimprove.
Hindi ko masabi sa bestfriend ko na limot ko na yung subject na yun at hindi rin ako marunong ng math na yon. Pero ayaw ko kasi syang panghinaan ng loob. Kaya days bago magstart subject nya, nagaaral ako online. Kumakausap ng professors ko dati para turuan ako. May times pang nagpapatutor ako para maturo ko sa kanya. Nagleave pa ako sa work once bago yung finals nya para magfocus aralin lahat at maituro sa kanya.
Hirap din ng dinaanan namin. Puyat. Grabe inaabot kami 5am kakaaral. Pagod. Paulit ulit na aral. At patience. Nagegets naman nya eh. Pero minsan kailangan mo talagang ulitin at bigyan sya ng multiples exercises para mas mamaster nya.
Pumasa nga pala sya sa finals nya at nagkaroon ng above passing grade sa subject na yon.
Noong binalita nya sakin, nagiyakan kaming dalawa. Sobra sobrang proud ako sa kanya. Sabi nya hindi nya raw maipapasa yun kung di dahil sakin. Hindi totoo yon. Matalino sya. Pumasa sya sa sipag nya at pagpupursige nya.
Para sa bestfriend ko, lagi kong hanggad ang pagunlad mo. Darating ang araw na masasabi nating we made it. Naniniwala akong you will win in life. Sorry di ko sinabi na di ko talaga alam ang calculus. Sorry tinatago ko rin yung times na magaaral ako magisa kasi gusto ko maretain yung courage mo na nakukuha mo sa idea na master ko yung subject at may magaling kang tutor. Haha. Excited na ako sa graduation mo feeling ko iiyak ako.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 7 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...