This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
since off my chest name ng subreddit na to, gusto ko lang magshare since medyo hirap ako mashare sa iba ng mga naiisip o nararamdaman ko hahah
gusto ko mag english tulad ng iba ba nandito kaso hindi ko maeexpress ng maayos sarili ko kaya tagalog na lang. hahah so eto na nga. mag30 na ko next month and unti unti ng nagsisink in mga bagay sakin esp sa relationship aspect. huling relationship ko is 9 yrs ago na and the reason why single pa rin ako ng ganito katagal is bc of 2 main reasons: 1. natrauma talaga ako dun sa past relationship though nakamove on naman na ko and 2. naenjoy ko ng mag isa simula ng makilala ko BTS at natengga pa sa bahay dahil work from home naman hehe
ngayon, gusto ko magtry na sumubok ulit to socialize with other people na hindi lang for friendship. ang kaso nahihirapan ako! for example sa bumble, dami maglalike sayo then may mga imamatch ka kaso hindi ko naman magawa magfirst move. bakit kasi need na ako magfirst move?! hahaha nung nagkalakas loob naman ako magfirst move at nagreply, natakot naman na akong replyan ulit kaya wala ring nangyayari. may mga nakausap din ako before pero ang bilis ko nawawalan ng gana sa convo hanggang sa nagiging short replies na ko to nothing at all. hindi ko naman intensyon pero ang bilis ko lang talaga madrain pag nakikipag usap huhu almost a week na siguro pinakamatagal kong natotolerate. :(
may pag-asa pa kaya ako makalandi nito? hahaha napepressure rin ako sa fam ko jusko. every reunion lagi na lang ako tinatanong kung kelan ako mag aasawa at yung iba pa sinasabihan ako na hindi pa nakakamove on sa ex (wow). halos lahat ng pamangkin ko may jowa na mapaninindigan ko ata yung title na tita of manila (pero taga rizal ako) na taga spoil lang ng pamangkin o apo sa pamangkin kasi walang jowa. sarap na lang talaga maging marshmallow
ayun lang saya pala magshare dito kakagaan sa feelings. HAHAHAH
Subreddit
Post Details
- Posted
- 9 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...