This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Akala yata ng magulang ko, particularly my mom, bangko ako na tumatae lang ng pera. Nasa kanya na lahat ng savings ko dahil sa kung ano-anong rason na sinabi n'ya. Tapos may gana pa s'yang manghingi ulit ng tulong. Hindi pa yata kontento eh hahahahahaha.
Ang sama-sama na ng loob ko. Punong-puno na ko ng resentment at galit. Tapos kinausap ako ng tatay ko kasi marami raw utang nanay ko na di ko rin alam bakit ganun. Parehas naman silang nagtatrabaho. Alam n'ya yung utang sa akin ng nanay ko. Tapos alam n'yo sabi sa akin? Wag daw ako magalit. Wag daw ako maghinanakit. Patawarin ko na lang daw nanay ko. Hahahahahaha
Ano bang kasalanan ko sa kanila? Bakit sila ganun? Gusto ko na lang mawala. Pagod na pagod na ko sa kanila.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 7 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...