This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Kahit bata pa ako mahina talaga ako kumain. Minsan lang yun malakas ako kumain. Nung college admissions mas lumalala lang nawalan akong gana kumain totally and madaming nakakapansin na pumayat ako. Oo na pumayat ako hindi ko kailangan na palagi yun pinopoint out sakin. Hanggang ngayon wala pa din ako gana madalas kumain and pagkumakain ako konti lang. Naririndi na ako sa nanay palagi akong pinagsasabihan bat hindi mo pa inubos yun ulam o kanin. Sinasabihan akong mukha akong adik o kalansay shempre nasasaktan ako hindi ko din naman toh ginusto. Hindi ko din alam ma okay kung bat hindi ko inubos un pagkain. Napansin ko pagstress ako mas hindi ako kumakain and ang hirap niya baguhin. Sinubukan ko naman damihan kumain pero nahihirapan talaga ako lalo na hindi ako malakas mag ulam. Siguro factor din na sobrang nagbago yun environment namin sa bahay simula dumating yun bunso naming baby pa.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 8 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...