Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

3
it's always that one guy who never liked us back...
Post Body

I had a crush on my high school classmate. But even saying "I had a crush on him" seems like an understatement. Sobrang vocal ko kasi about it. Kahit na hindi ako directly nag-confess sa kanya, I showed it in different ways on multiple occasions (gifts, good luck messages, etc.) Hindi ko naman talaga tinago and buong school alam yon. To be fair, hindi rin lang naman ako yung nagka-crush sa kanya dati.

He was kind of popular kasi matalino, magaling sa sports, magaling sumayaw, and attractive talaga. Tahimik kasi siya kaya may added mystery pa sa pagkatao niya.

Deads na deads talaga ako sa kanya no'n, and supportive naman yung friends ko sa delusions ko dati. Nagkaro'n lang talaga ng time na nag-project na ako ng insecurities ko sa kanya kasi never naman niyang in-acknowledge or ni-reciprocate yung feelings ko. Kaya ito namang friends ko sinasabayan lang din trip ko. Hanggang sa maka-graduate na kami at mapunta sa magkakaibang universities, all this time ang alam nila naka-move on na ako.

Nagkajowa naman ako after that. Pero madalas ko siyang isipin. Maraming what ifs na never kong nasagot. Maraming what could have beens ang lagi kong ini-imagine. Kahit last year, bumati pa ako sa kanya through chat kahit taon na kaming 'di nag-uusap. Pero hanggang doon na lang. Pati tuloy 'tong best friend ko sa work ginagatungan din yung what ifs ko.

Sabi ko na lang, sana wag na kami magkita sa lifetime na to ulit. Sobrang bumaba kasi yung self-confidence ko no'ng wala ako g nakuhang acknowledgement sa kanya. Kahit siguro rejection okay lang kasi at least hindi ako puro tanong kung nagkagusto rin ba siya sa akin or what.

Pero recently, nasagot 'yon.

After many years, habang naboboang na ako sa mga tanong ko sa sarili ko, may hinihintay pala siya, nagbabakasakali na may chance pa. Nagtiis din siya for many years na ipunin lahat ng lakas ng loob na umamin sa feelings niya...

...Para sa best friend ko.

Nalaman ko lang no'ng nagkita ulit kami ng tropahan ko no'ng high school. Na-hot seat kasi 'yong isa sa mga best friends ko.

Itong si best friend, notoriously known na hindi pumapatol sa admirers niya kahit maraming nagkakandarapa sa kanya no'ng high school.

Maganda, matalino, mabait, talented. She's got the total package. No wonder he fell for her.

"You were my biggest regret," sabi niya sa best friend ko. Habang binabasa niya 'yong ilan sa mga convo nila, natatawa na lang ako.

Natatawa ako sa sitwasyon kasi alam kong naghe-hesitate umamin 'yong best friend ko kasi nga patay na patay ako kay guy no'ng high school.

Natatawa ako kasi sa tagal naming hindi nagkita-kita, ganito 'yong balitang bumungad sa amin.

Natatawa ako sa mga kagagahan ko no'ng high school.

Natatawa ako sa sarili ko.

Natatawa na nalulungkot.

Ano ba naman kasi 'yong dapat kong maramdaman sa sitwasyon na 'yon?

She was ready to jump in and test the waters. Mukha naman kasing nag-e-effort si guy. Anong dapat kong maramdaman?

Hindi naman naging kami. Never niyang in-acknowledge o ni-reciprocate 'yong feelings ko. Anong dapat kong maramdaman?

It has been years. We're all adults now. I've had relationships after that. But even then, whenever people mention him, I still get this strange feeling in my chest. Pero they're lowkey dating now. Anong dapat kong maramdaman?

Hindi ko alam.

Ang hirap niyang i-explain sa mga taong hindi naranasan 'yong pagbaba ng self-confidence ko. Ang hirap ipaliwanag 'yong days when I questioned myself if I were pretty enough, smart enough, or just ENOUGH to be liked back. Sobrang hirap aminin sa sarili ko na, at the end of the day, I'm not her even though at times I wish I were.

Kailangan ko lang siguro i-post 'to for the hell of it, para gumaan kahit papaano. Kasi bumibigat na naman kapag iniisip ko kung anong mangyayari sakaling magkita-kita na naman kami.

Author
Account Strength
60%
Account Age
2 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
204
Link Karma
137
Comment Karma
67
Profile updated: 1 week ago
Posts updated: 4 days ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
10 months ago