This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Ganito nalang ba palagi? Pangalawang lalakeng childhood friend ko na to na nanggulo sakin kahit may asawa / live-in partner / fiancee na sila.
Itago ko nalang sya sa pangalang Jason. Jowa ko sya nung high school. Matalino, magaling magsalita, medyo mayaman rin. Nung una magkaaway kami pero eventually na super inlababo ako sa kanya. Kaya niligawan ko at naging kami.
E may ibang gustong gawin si Jason. Di ko nalang sasabihin pero ayaw nya sa sex daw --- kasi may ibang fetish sya. E ako nga inlababo so binigay ko kahit ayoko naman talaga. Ginagaslight ko pa nga sarili ko na gusto ko yun kahit di naman.
EDIT: For the record, wala akong problema sa kink at fetish (meron din ako)...pero ang importante kasi ay MAY CONSENT at hindi mo pinipilit ang tao kahit ayaw nila.
Eventually nalaman ko na may pinopormahan sya sa school nya. So I broke up with him. Pero tanga nga, di ko binlock. Hanggang ignore lang. Kahit na may mga gf sya, nag memessage siya na humingi ng 'session.' Di ko pinapansin. Mga 10 years na ganyan yata. Minsan pumupunta pa nga sya sa bahay namin sa probinsya pag alam nya nandun ako. Tumatago lang ako at dinededma sya.
- Nagising ako na may halos 30 missed calls. Tapos may tumawag. Antok na antok ako kaya sinagot ko. Si Jason pa rin, humihingi ng 'session.'
Chineck ko FB nya after almost 5 years. Puta, kaka propose nya lang sa fiancee nya nung December.
Nag panic attack ako. This is not the first time a married (or about to be married) man tried to make me complicit in their cheating. At ayaw na ayaw ko yan. Grabeng trigger ko yan. Nag breakdown ako ng malala.
Ganito nalang ba talaga tingin nila sakin? Kesyo open-minded ako at single pwede na nila akong babuyin ng ganito? Puta may mga morals pa ako. Kahit mag-alok pa sila sakin ng isang milyon, di pa rin ako tatanggap kung di gusto ng partner nila.
Binlock ko na talaga sya sa lahat. At gumawa ako ng Google Doc letter para sa fiancee nya, complete with screenshots. Pero sinabihan ako ni ate na wag nalang isend kasi daw baka aawayin pa ako. Seryoso na allegations ang sexual harassment na ginawa nya sakin. Pwede syang matanggalan ng lisensya. At may kapit ang pamilya nya sa pulitiko. Baka daw sasampahan ako ng cyberlibel. Kahit matatalo sila, mapapagastos at masestress pa rin ako.
Since then parang palagi nalang akong on the edge. Minsan galit, minsan breakdown. I feel so dirty. Kahit ngayon naiiyak ako. Ilang years na akong medyo okay sana pero puta ganito pa talaga ang start ng 2024 ko.
Kaya kayong mga gagong tao na nagche-cheat sa mga partner nyo. Sana iwan nyo nalang partner nyo pag di nyo naman nakukuha ang gusto nyo. Kaysa mandamay pa ng ibang tao lalo na yung mga ayaw naman ng ganyan.
And Jason, fuck you. I will talk to my lawyer friends and I will make you pay, some way or another.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 11 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...