This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Andito ako ngayon sa airport. Nakaupo sa boarding area. I'm looking at my ticket, thinking 'this is it. aalis na talaga ako. malayo nanaman tayo sa isa't-isa.'
Part of me thinks na, tatakbo na lang ako palabas. Pabalik sayo. Hindi ko itutuloy ang pag alis ko. Pero naiisip ko din, what then? Kung babalik ako, ano gagawin ko? Baka mag away pa tayo kasi ayaw mo kong mag stay pa sa ngayon. Kaya ko naman sana. Kaya ko namang hanapan ng paraan. Hindi naman masisira mga plano natin. Mas magiging malapit lang tayo sa isa't-isa.
Ayaw mo ba nun? Hindi na mahirap satin ang makita. Hindi magiging mahirap sa atin ang maging andyan kung kailangan natin ang isa't-isa. We can do lots of things together na di natin magawa-gawa kasi literal na dagat ang nasa pagitan natin. Pero ayaw mo. Ayaw mo kasi hindi yon ang plano. Ayaw mo kasi nasasakal ka. Ayaw mong baguhin ko ang buong buhay ko para sayo.
Paano ba? Ikaw na yung plano ko eh. Lahat ng ginagawa ko, para maging isang tao nararapat para sayo. Bago kita nakilala, kuntento na ako na maging patapon ang buhay. Na hindi na mangarap. Na di na umusad. Pero binigyan mo ako ng lakas ng loob mangarap ulit. Na baguhin buhay ko. Na maging malaya sa mga bagay na naging kadena ng buhay ko. Ikaw yon. Ikaw ang dahilan bakit sinimulan kong mag bago.
Nakakatanga man pakinggan. Nakakagago. Sabihin man ng iba na baliw ako. Pero ikaw ang pangarap ko. Oo ikaw.
Tatakbo na ba ako palabas? Iiwan ko na ba lahat ng mga nakasanayan ko? Di ko alam. Pero sana wag mong isara ang pinto. Wag mo kong iwan. Wag mo kong palitan. Sayo ko natutunan paano talagang mag mahal. Oo sayo.
Andito ako ngayon sa airport. Nakatingin sa lagusan. Umaasa na, tulad sa mga pelikula ay, pumasok ka at hanapin ako. Na hawakan ako. Na yakapin ako. Umaasa na sabihin mong wag na akong unalis. Na sayo lang ako.
Andito ako sa airport. Namimiss ka.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...