This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Pa-vent out lang ng konti kasi bigla na lang ako nakapagsoundtrip ng mga pang-inlove na OPM music HAHAHA
This year ilang beses na ata ako pumasok sa situationships na yan na parang naging pang-character development lang ako/sila. May mga nang-ghost, meron na hindi kami nagclick, meron din na sex lang ang habol at meron din na tropa zone kami. Baka picky lang akong tao or ewan haha. Hindi naman ako totally naghahanap kaso sila yung pumapasok sa buhay ko unexpectedly and kapag kasi hindi narereciprocate yung energy na binibigay ko or may nafeel na ako na off, nakakaumay nang makipaginteract.
Okay naman ako na walang kabebetime since marami naman din akong pinagkakaabalahan sa buhay (work and hobbies) pero di ko maiwasan magsenti kapag 10pm na HAHAHAHAHA i know karamihan sa atin na mga single mga ganyang oras yung parang gusto natin na may magtatanong kung kamusta yung araw natin ganon. Someone na will care and we'll care for or go to simple dates with like stroll lang kung saan-saan while sharing stuff about life. Haay.
Anyway, yun lang naman guys. Okay na ako uli dahil nakapagvent out na. Naout of sched lang yung senti mode ko dahil sa Tatak Pinoy na Spotify playlist na yan (i think iwasan kapag wala pang 10pm)
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...