This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Nakakainis lang pag nagagalaw yung gamit ko ng walang paalam. Ewan ko ba, bata palang ako pet peeve ko na yun. Gusto daw linisin ng nanay ko yung kwarto ko at alam kong wala naman syang masamang intensyon pero naooff talaga yung rhythm ko pag may nagagalaw. Eh hindi naman yung tipong wala ng malakaran yung kwarto ko eh. Typical workspace lang na madaming papel at gadgets sa desk para ayusin pa niya. Basta alam ko kung nasan nakalagay mga gamit ko, clear yung sahig, nakapwesto mga devices ko at maayos mga cables non, para sakin malinis na kwarto ko.
And mas naoff ako nung nilagyan ng pabango yung unan ko. Unang una di ko naman pabango so nababahuan ako. Tapos akala ko saglit lang mawawala na so tiniis ko.. eh aba isang linggo na mahigit matapang padin amoy. Haaaayy!! Di naman malabhan agad kase mas malaki pa sa washing, kailangan i-hand wash 🙃 Grrrrr
Subreddit
Post Details
- Posted
- 11 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...