This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Siguro around 2014 yon. Nakasakay ako sa bus, window side. Sa bandang Cubao may sumakay na guy. Nakasalamin, bata bata pa. Umupo sya sa tabi ko. May dala syang red ribbon na cake na nilagay nya sa lap niya. Di I'm just minding my own business.
Maya maya kinausap niya ako.
"Sir pwede po patulong?"
Natanggal kasi yung pagkakaribbon ng tali sa cake nya. Tinanong nya kung marunong daw ba ako mag-ribbon. Sabi ko kaya ko naman pinapagawa nya.
Tapos nagkwento sya sa akin habang tinatali ko yung cake nya.
Nagkagulo daw kasi sa bahay nila, nag-away sya at ang mom nya tapos lumayas daw sya. Ilang months na daw silang di nagkikita ng nanay niya. Birthday daw ng nanay niya ngayon at susubukan daw niya makipagbati. Yung cake daw eh pasalubong nya sa nanay nya.
Di ako sabi ko good luck, sana maging okay sila ng mom nya.
Dagdag na tanong nya pa sa akin "Tingin niyo po tatanggapin nya tong cake?". Sabi ko oo naman, bakit hindi.
Tapos ayon, dumating na ako sa stop ko at nagpaalam na ako sa kanya.
Di ko lang alam kunh bakit naaalala ko sya today, kanina ko pa iniisip kung ano na kaya nangyari sa kanya. Sana naging okay sila ng nanay nya.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...