This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Meron akong Ex-GF. Nagchat sakin ngayon sa FB. Okay naman kami, friends pa rin kami sa FB. Wala na akong nararamdaman for her and she to me. Normal na lang siguro yon kasi nagbreak-up kami nung 2003.
Bata pa kami non. Walang kamuang muang sa buhay.
Di ko din alam kung bakit from time to time nag uusap pa kami given na may past nga kami. Di pa maganda break-up namin sa totoo lang.
Nag-cheat kasi sya sa akin. Nagkaroon sya ng isa pang jowa. Umamin siya sa akin na nahihirapan daw sya kasi mahal nya kami pareho. Sabi ko sa kanya sige ako na lang magiging kabit mo. So pinagsabay niya kami.
Di rin pala maganda yung ganon na alam mo na spare tire ka lang. Pag busy lang yung isa niyang jowa tsaka sya may time sa akin. Yung inis mo pag nagkwekwento sya na nagdate sila tapos ang saya saya niya. Nakakaaning. One time pinabasa nya sa akin yung love letter nubg Jowa niyang isa. "Ikinasasaya ko na ako ang pinili mo kesa kay Jam" kadire taena hahaha!
Eventually di ko na kinaya and I broke up with her.
Daming nangyaring hanash, may iyakan here and there. Ending nila eh nakipagbreak sya sa isa niyang jowa para sa akin. Naks, nagwagi pagmamahal ng lolo nyo.
It was fun nung nagkabalikan kami. Pero after a few months nagsimula sya magpakita ng kakaibang behavior. Sinasabi niya na nagbago na daw ako, namimiss daw nya yung dating ako, gumagamit siya ng ibang yahoo messenger accounts para ichat ako at hulihin kung nangangaliwa ako sa kanya, ginagamit niya name nung dati kong niligawan tapos sinasabi sakin na "tara sex tayo" ganon. Nakakaewan.
May one time na nahuli ko sya sa akto.
May nagtetext sakin, gusto daw ako maging textmate. Di hindi ko pinapansin. One time, naguusap kasi kami sa landline tapos sabi ko may gagawin ako sa school na event at baka di ko sya matext kasi wala akong load. Sabi nya "ahh ako na bahala sayo, loadan kita ng ₱50". Kinabukasan during dun sa school event namin nagtext na naman yung gusto makipag textmate sabi niya "Hello kamusta ka? Siguro naman may load ka na para magtext. Pwede makipag textmate?".
Galing di ba.
So yon sabi ko sige text lang tayo. Sabi niya "wala ka bang GF?" sabi ko "Oo wala akong GF. Tagal na akong single." sabi niya "Sige tara kita tayo sa mall na malapit samin na pinupuntahan namin ng GF ko palagi" Sabi ko "Sure. Idadate kita".
After a few days kinumpronta nya ako na bakit ko daw sya dinedeny. Turns out nung pinagusapan namin to, kaklase nya nagtetext sakin. Boba namputa.
Anyway, ayon nauwi na naman sa final break-up at di na talaga kami nagkabalikan. Nabalitaan ko naospital sya dahil may ginawa sya sa self nya. Pero tiniis ko yon kahit super concerned ako sa kanya. For almost two years tawag sya ng tawag sa phone ko pero di ko sinasagot. Minsan gagamit sya ng ibang number, minsan landline. Di sya nagsasalita pero may naririnig ako na umiiyak sa phone at alam ko na siya yon.
So yon present day. Chat kami ni ante. Aalis na daw sya, magmimigrate na sa America. Sabi ko goodluck sa life niya. Ikakasal na sya sa bf nya sa 2025 pag nalakad na green card nya, yung bf nya na yon yung nakilala nya after me. 20 years na sila ngayon. Galing lang na may umaabot pala ng ganon katagal talaga. Pero di lahat nabibiyayaan ng ganon.
Naisip ko lang na what could've been. Kami pa kaya hanggang ngayon kung di sya nagcheat sakin? Naramdaman ko lang na napaglipasan na ako. Yung isa ko ding ex kinasal na this year lang.
Ako wala eto single hahaha! Pero ineenjoy ko na lang kasi malaya ako gawin whatever the duck I want. Napapaisip lang ako kung magkakaroon din ba ako ng okay na buhay like them.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...