This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Alright, so PSA sa lahat ng mga nanonood ng gigs or concerts lalo na kapag pwede uminom ng alak sa event.
Always be mindful sa surroundings niyo. Oo, gets natin na masaya pakinggan yung banda, nag-eenjoy tayong lahat at gusto natin ilabas ang emotions natin. Pero please lang, kapag alam niyo naman na hindi slaman-worthy yung venue, huwag niyo na pilitin.
The event has a chair and table setup and noong tumugtog na yung isa sa guest bands, may mga pumunta malapit sa stage at bilang fan din ako noong banda, lumapit din ako sa stage. Come the third song, may isang tao na talon nang talon patalikod na hindi na alam saan papunta at may mga tinamaan na ibang tao at natumba yung table na may pagkain pa ata. May tinamaan din na isang tech ng banda kung saan dito nabadtrip yung vocalist. Huminto pa talaga yung banda sa gitna ng kanta para lang sawayin yung crowd. Take note na hindi ganon kalaki yung crowd na nasa harap, siguro mga around 20-30 pax lang. Kita ko sa mukha ng vocalist na disappointed siya. After masita, tinuloy na rin nila yung kanta.
Kita ko sa set list nila na may 2-3 songs pa ata sila pero they cut it short after a few songs pagkatapos noong nangyari.
Masaya pumunta sa mga gigs, masaya tumalon talon, masaya na makita natin ang paborito nating banda. Pero sana, ilugar natin yung kulit natin.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...