This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Pasensya na kasi siguro ambabaw ng kaligayahan ko pero ganito kasi yun:
Nagsimula 'to nung bumili ako ng ulam sa labas. Nung naisip ko na bibili ako ng yelo sa kabilang tindahan, nalimutan ko na kunin yung pagkain ko; basta nagbayad na lang ako tapos rekta na sa kabila.
Tapos sa kabilang tindahan naman, bumili ako ng yelo tsaka yosi tapos may sumingit sakin ng bili habang nagbibilang ako ng barya. Edi nalihis nanaman utak ko tapos di ko pa makita susi ko sa bahay, kaya nalimutan ko for a bit kung pano magbilang ng barya.
Nakauwi na ako nung napansin kong nawawala yung pagkain na binili ko. Pinaghinalaan ko yung tindahan kasi nasingitan ako kaya tingin ko sinumpong ako dun; hindi ko pa alam at that point na bumibili pa lang ako ng pagkain sinusumpong na ako.
So bumalik ako sa tindahan hinahanap pagkain ko tapos si ate ibang bumibili dun nakipagtawanan na lang sakin; lunch pa man din daw kaya malamang may nagtangay na hahaha
Obviously wala dun so naglakad na ako pauwi, tapos may stranger na tumatawag sakin, sabi niya "kuya, tawag ka dun". Nung nilingon ko, tinuro naman ako dun sa mag asawang binilhan ko ng pagkain. Hawak hawak nila yung binili ko tapos natatawa sila. Edi yun tawa tawa din sila tapos si kuya din na tumawag sakin.
Tapos kanina sa gym pinagset up ako ni kuya ng sounds.
Living alone working in corporate/my profession for years now, parang sobrang naaappreciate ko yung mga tao sa labas kasi ambabait tapos simple nila. Not to say walang bastos/gago sa labas pero hindi naman tungkol sakanila 'tong post at hindi naman 'to dragnet statement to describe literally everyone outside.
Wala lang, ambabait lang ng mga tao sa labas di tulad dito sa internet or sa Ayala Avenue hahahaha
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...