This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Sa Pilipinas daw may pinakamahabang Christmas. For me, mga shopping malls lang nag set ng mindset na yan para isipin natin na pasko na at marami tayo pera dahil parating na ang christmas bonus o 13th month pay.
Pero tingin ko rin kasi masaya makarinig ng Christmas songs dahil sa totoo lang miserable ang buhay dito sa Pilipinas. At isa to sa nagpapasaya sa atin bukod pa sa mga noontime shows na patok na patok sa bansang to kasi araw araw napapahalakhak tayo kasi miserable talaga buhay ng ordinaryong Pilipino. Di biro ang isang kahig isang tuka.
Panay injustices, corruption, mataas bilihin mababa sahod, kamote, poor transpo, kupal na kamaganak, healthcare para sa mayaman lang at mga nakakabwisit na news. Talaga di ka matutuwa dito.
Pinaka malupet is itong Christmas songs ay ginagamit lang ng mga mall at di niyo namamalayan napapabili na kayo kasi sina psycho na tayo na pasko na pag napapapasok tayo sa malls at sila nanaman ang yayaman at sasaya habang ikaw ay napagastos sa mga "SALE" at feeling mo kasi pasko na. Ewan ko ba.
Di naman talaga si Papa Jesus ang bida sa malls kaya pinapatugtog yang Christmas songs kundi kayong shoppers na feeling pasko at para maging shopaholic kayo kasi feeling niyo rin may 13thmonth pay na kayo. Haha
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...