This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
"Children, obey your parents..."
" Sana di na kita pinanganak"
Naalala ko na sinabi mo to matapos mo kong sampalin dahil nag disagree ako sa religious belief mo. You even used our pastor to manipulate me to your will, and even shared extremwly private stuff that should've been between us. Walang dapat makaalam nun, pero parang gusto mo pa ata iparada sa buong mundo kung gano kasamang ina, and to frame yourself as a good person while you treat me as the black sheep of the family. Pero kapag maganda yung ginawa ko, meron akong achievement or even a simple hobby, you hahalungkatin mo yung buhay ko, that you never cared about, just so ypu could parade me again as a prize, or yet, as a sign that you are a "good mother." Siguro di ako tao sa paningin mo, kundi isang makinang sira o isang trophy, kung ano mang imahe yung sa tingin mo ay magpapalinis sayo.
Pero kilala kita, alam ko lung ano nangyayari sa loob ng bahay, sa likod ng kurtina na pilit mong sinasara, haha. Di ko ramdam yung tahanan sa loob ng apat na sulok ng bahay na ito. Pinapanood mo lahat ng galaw ko, saka aatake ka. Lahat ng parte ng katawan ko binubugbog mo ng mga salita. Kada binubuo ko yung sarili ko, winawasak mo, inaapak-apakan mo at ipapamukha mo pa sakin kung gano ako ka miserable at dahil dun, walang tatanggap sakin. At nung napatunayan ko nga na mali ka, pinilit mo na gawin akong masama sa harap ng mga kaibigan ko, nakangiti ka pa habang binobody shame mo ako sa harap nila. At nung nakahanap ako ng kasiyahan sa aking katawan, sa aking pananamit, agad-agad mo rin akong huhusgahan. I can never please you, so I detached myself from this place, and from you.
Sa tingin mo yung ginagawa mo ay nagpapabuti sakin, at pagpapakita lang na mahal mo ko. Pero bakit bawat yakap mo ay ang nararamdaman ko ay pagkatakot at bigat ng loob?
Kahit naman yung Diyos na sinasamba mo, binigyan ng damit sina Eba at Adan bago sila palayasin, pero ikaw, wala pa ako sa bahay mo ay pinilayan mo na ako at hinubaran ng lahat ng aking confidence.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...